top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Angelica, todo-sakay, gaya-gaya lang kay Angel sa hirit na sising-sisi sa pag-eendorso kay P-Digong

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 4, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Ano kaya ang nakain ng emoterang aktres na si Angelica Panganiban at inatake si Pangulong Rodrigo Duterte? Nakikisawsaw pa siya sa mga nagkakagulong pamilya na hindi nabigyan ng relief goods.

Oo nga't ipinagtanggol niya si Pasig City Mayor Vico Sotto nang imbitahin ng NBI upang tanungin sa ginawa nitong aksiyon habang may lockdown na ipinagbabawal ang pamamasada ng mga tricycle drivers, pero bakit si P-Duterte ang kanyang pinagdidiskitahan sa ginawa ng NBI?

Tapos, ipagsisigawan pa niya na nagsisisi siya na ikinampanya at ibinoto niya si Duterte noong 2016 elections?

Don't tell me wala siyang natanggap na kabayaran noong nangampanya siya? Ang hirap kasi sa ilang celebrities, nakikisakay lang kung may isyu. Gaya-gaya lang siya kay Angel Locsin na nag-sorry din na ikinampanya si Sen. Koko Pimentel.

Dati-rati, ang mga emote at hugot lang ni Angelica ay ang kanyang mga kabiguan sa pag-ibig. Ngayon, sumasawsaw na siya sa isyung pulitika.

Tiyak na hindi siya tatantanan ng mga loyal supporters ni P-Duterte.

♥♥♥

Hindi lang sina Heart Evangelista, Marian Rivera, Angel Locsin, Bela Padilla at Pokwang ang tumutulong ngayon sa ating mga health workers, frontliners, atbp. nangangailangan sa gitna ng krisis na likha ng COVID-19 pandemic.

Ang Kapuso star na si Gabbi Garcia at ang kanyang boyfriend na si Khalil Ramos (na isang Star Magic artist) ay may binuo ring fundraising project sa tulong ng kanilang mga kaibigan. Ito ang #Payitforwardph na ang layunin ay makalikom ng P300,000 na ipambibili ng mga medical kits, face masks, PPE, atbp. na ido-donate sa Parañaque Hospital at Pasay City General Hospital.

Fourteen days ang kanilang target para makabuo ng halagang pambili ng mga items na ido-donate nila kasama ang ilang food packs.

Unang araw pa lang ng nasabing fundraising project nina Gabbi at Khalil ay nakalikom na sila ng halagang P150,000.

Sa panahon ngayon na may pinagdaraanang krisis ang bansa dala ng Coronavirus, lahat ng maitutulong ng ating mga kababayan ay mahalaga. Maliit man at hindi milyones ang halaga, basta taos-puso ang pagtulong ay isang malaking biyaya.

Para sa magkasintahang Gabbi at Khalil, ito ay bahagi ng kanilang pasasalamat sa mga blessings nila.

♥♥♥

Jennylyn, todo-bawi sa anak ngayong quarantine

Hindi nakaramdam ng cabin fever o pagkaburyong ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Nang matigil ang teyping ng action serye niyang Descendants of the Sun (DOTS), nagkaroon siya ng maraming oras upang makapiling at maka-bonding ang kanyang anak na si Alex Jazz.

Bumawi siya nang husto sa mga panahon na lagi siyang busy sa kanyang career at halos hindi na sila nagkakasama ng anak.

Ang ikinalulungkot lang ni Jennylyn kapag nasa bahay siya ay naaalala niya si Nanay Lydia, ang tumayong nanay niya at nag-alaga sa kanya simula noong bata pa siya.

Si Nanay Lydia ang naging gabay niya at nag-push upang maabot niya ang kanyang goal sa buhay. Matagal bago naka-adjust si Jen na wala na sa piling niya si Nanay Lydia.

Ngayon, ang hilig niya sa musika ang dahilan kaya nag-aaral siyang tumugtog ng musical instruments. Ang bass guitar ang una niyang natutunan sa tulong ng boyfriend niyang si Dennis Trillo.

Mahusay ding mag-drums ang aktor. Baka next time, ito naman ang ituro niya kay Jennylyn.

♥♥♥

Pagtulong ni Dingdong sa mga frontliners at health workers, ikinabahala ng mga fans

Nag-alala ang ilang fans and supporters ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa ginagawa nitong paglabas-labas upang magbigay ng ayuda sa mga nangangailangan, especially ang mga health workers at frontliners sa mga ospital. Baka raw malaking risk ito sa host ng Amazing Earth.

Dahil may pamilya siya na dapat protektahan sa COVID-19, ang payo na lang nila kay Dingdong ay maging maingat at laging gumamit ng face mask at umiwas sa matataong lugar.

Bilang isang reservist, nakasanayan na ni DD ang tumulong kapag may krisis at kalamidad sa ating bansa. Kahit papaano, nagse-share siya ng blessings sa mga kapuspalad.

♥♥♥

May mga netizens na nakakapansing medyo nagkakalaman na si Kris Bernal at hindi na tulad noon na anorexic beauty.

Mukhang pinaghahandaan na talaga ni Kris ang araw ng kasal nila ng kanyang businessman fiancé para magandang-maganda siya sa special day sa kanyang buhay.

Panay nga ang workout ngayon ni Kris habang naka-quarantine para hindi rin naman siya tumaba nang husto at ma-maintain ang kanyang kaseksihan.

Well, para sa mga fans ni Kris na nakaka-miss sa kanya sa TV, muli siyang mapapanood sa replay episode ng Dear Uge bukas (Linggo) titled Ang Mga Babaeng Pinagpala kung saan kasama niyang guests sa drama anthology show ni Eugene Domingo sina Boom Labrusca, Ashley Rivera at Anne Garcia.

Napakasuwerteng nilalang naman ng karakter ni Boom kung saan pinag-aagawan siya ng mga babae. Ngunit nang mamatay siya, isang sikreto niya ang mabubulgar.

Tutukan sa Dear Uge bukas (April 5) sa GMA-7.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page