Pekeng sundalo huli sa checkpoint
- Pabs Hernandez III
- Apr 3, 2020
- 1 min read
Quezon—Isang pekeng sundalo ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Lalig, Tiaong.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Pedro Ipunla, nakatira sa Bgy. Lallana, Trece Martires City, Cavite.
Nabatid na habang nagmamando ng checkpoint ang pulisya ay napadaan dito si Ipunla na armado ng Block Cal. 40 pistola habang lulan ng Toyota Tamaraw wagon.
Nang hanapan ng dokumento sa baril ay nagpakilalang sundalo si Ipunla, pero nang ipakita nito ang dala niyang military identification card ay natuklasan na peke ito.
Dahil dito, agad inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong usurpation of authority at illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments