Show nina Sarah, Lea, Bamboo at Apl., tigil-taping na rin dahil sa COVID-19
- Mercy Lejarde
- Apr 2, 2020
- 3 min read
Kim, na-trauma nang niratrat, ayaw nang gamitin ang black van

Takot at ayaw na raw sa kotse or van na itim ni Kim Chiu after maratrat ng bala kamakailan lamang ang kanyang black van sa Katipunan Avenue.
Ambush daw ang nangyari but ayon sa ilang imbestigasyon ay mistaken identity 'yun at hindi para kay Kim ang pinakawalang bala sa kanyang black van.
So, kung ayaw na ni Kim sa itim na kotse or van, hindi na swak sa kanya ang saying na… “Black is beautiful”…with matching background music that goes…
“Black is black… I want my baby back…”
'Yun na!
Pero dapat ay huwag na rin siyang gumamit ng kotse or van na kulay pink, ha! Why daw? Eh, kasi, baka mapagkamalan na ang sakay ay si Kris Aquino na everyone knows in showbiz na mahilig sa kulay pink, ‘noh! Maski nga ang taxi niyang LBR ay kulay pink din.
And take note, may ilang pipol of PH ang nagsabing lalong dapat huwag gumamit ng van or kotseng “dilaw” si Kim kasi raw, may mga utaw na galit sa mga “Dilawan” group, tsuk!
Hay, naku, hayaan na lang natin si Kim kung ano'ng kulay ang gusto niyang gamitin, basta ayaw na niya sa kulay itim.
Hayaan na lang natin siyang mag-decide this coming “Black Saturday” on April 11, 2020. O, ha, at least may konek. Insert smiley, J!
***
Alden, atat nang makapag-beach pagkatapos ng lockdown

PANSAMANTALANG natigil sa taping ng Centerstage si Alden Richards as main host nitey due to enhanced community quarantine.
Naging sentimental si Alden tungkol sa kalagayan ngayon ng mga frontliners dahil ang elder brother pala niyang si RD (Richard Daniel) ay isa ring health worker sa ospital na pinapasukan nito sa California.
Gusto man ni Alden na pigilan ang kuya niya, alam niyang hindi ito papayag dahil trabaho nito 'yun.
Nakabantay naman si Alden sa kanyang Lola Linda at Lolo Danny kaya nandoon lamang siya sa kanila sa Nuvali, Sta. Rosa City at biro niya, siya ang runner ng pamilya para bumili ng mga pangangailangan nila.
Sa kanyang Twitter post, aniya, “When this is all over… we will hug in the streets… dance in the rain… small talk over coffee… swim in the sea… eat delicious food in the restaurants… celebrate with our loved ones (kasama na
kaya 'yung target niyang napupusuan sa ngayon na sinabi niya kay yours truly du'n sa aming press visit sa Centerstage?… Just asking...)
“And we will have a whole new outlook: Appreciative, grateful, and treasure every moment. And until then… Let’s bring out the kindness in each other.”
Eh, harinawa, ngayong Lenten Season, month of April ay mawala na nang tuluyan ang Coronavirus Disease all over the world para back to normal ang buhay, ‘ika nga.
***
SHOW NINA SARAH, LEA, BAMBOO AT APL., TIGIL-TAPING NA RIN DAHIL SA COVID-19

Tigil-taping din muna ang ABS-CBN singing competition na The Voice Teens 2 airing every Saturday and Sunday night kung saan ang mga coaches ay sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo at Apl.de.Ap.
Well, dapat ay muling gamitin ni Mr. Quiboloy ang word na STOP, as in STOP SPREADING CORONAVIRUS 19 ALL OVER THE WORLD!
'Yun lang and I thank you.
***
O, siya, don’t forget to watch again ang Alyas Robin Hood serye ni Dingdong Dantes na pansamantalang kapalit ng Bilangin ang Bituin sa Langit na napapanood sa GMA Afternoon Prime mula Lunes hanggang Biyernes.





Comments