Manggugulo sa gitna ng quarantine, patayin! - P-Duterte
- Mylene Alfonso
- Apr 2, 2020
- 1 min read

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang makakaliwang grupo na manggugulo kasunod ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang lumikha ng komosyon sa Quezon City ang may 20 katao na nagpoprotesta para manawagan ng pagkain at financial assistance mula sa gobyerno.
Dahil dito, inatasan ni Duterte ang hanay ng militar at pulisya na barilin ang mga manggugulo at kung sakali na malagay sa panganib ng kanilang buhay.
"Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you," ani Duterte.
"Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate," sabi ng Pangulo.
"My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead," utos pa ng Chief Executive.
"Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil."





Comments