top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Buhay ni Ivana bago naging sexy star, nabulgar

  • Erlinda Rapadas
  • Apr 2, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Mahigit dalawang taon ding nagtiis na maging “trying hard” ang bagong Pantasya ng Bayan na si Ivana Alawi bago napansin ng publiko at unti-unting sumikat via her vlog.

Kung saan-saang pa-contest at talent search na siya sumali noon, pero lagi siyang nalalaglag. Maging sa PBB ay nag-audition siya noon pero hindi siya napili.

Naranasan din daw niya ang maging extra sa pelikula at telebisyon at kadalasan, hindi nababayaran ang kanyang talent fee.

Frustrated na frustrated na noon si Ivana. Gusto na lang niyang mag-asawa at magkaroon ng pamilyang aalagaan.

Nakapagtapos naman siya ng Culinary at nagplano na ring magkaroon ng clothing line. Pero, hindi sumuko ang kanyang ina na lumapit sa mga talent managers upang tulungan ang kanyang anak na magkaroon ng career.

Timing naman na nakilala ng mommy niya si Perry Lansigan, ang manager ni Dingdong Dantes.

Sexy star ang gustong image ni Ivana. Marami na raw kasing artista ang pa-sweet at wholesome. Ngayon, maraming guys ang nababaliw sa kanyang mga sexy photos.

***

KC, todo-papansin sa mga utol kay Gabby, dedma sa mga sister kay Sharon

Suki ng mga bashers si KC Concepcion dahil lagi na lang may iniisyu sa kanya.

Matapos pansinin ang kanyang suot habang nagti-TikTok (kung saan sumilip ang kanyang boobs), heto at may bago na namang sasagutin si KC.

Photo: TikTok @itskcconcepcion

Nagpa-baby picture challenge siya kung saan itinag niya ang kanyang mga kapatid sa amang si Gabby Concepcion. Kaya ang tanong ng mga netizens, bakit daw ang mga kapatid niyang sina Frankie at Miel ay hindi naisip na i-tag din ni KC?

Well, ang mga kapatid kasi niya sa father side ang gustong i-challenge ni KC. Kung may mga throwback photos sila, hindi naman siguro big deal ito kina Frankie at Miel kaya hindi sila nag-react.

***

JESSY, BINA-BASH NOON, BIGLANG NANAHIMIK NGAYON

Kumusta na kaya si Jessy Mendiola? Bakit mukhang nananahimik siya at tinantanan na ng mga bashers?

Ano kaya ang kanyang pinagkakaabalahang gawin for the past few months?

Wala na bang ganap sa kanila ng boyfriend niyang si Luis Manzano? Happy na rin ba siya sa kanyang buhay ngayon?

Sabagay, shutdown din ngayon ang telebisyon at pelikula kaya maraming artista ang nakatengga at waiting ng mga projects.

Hopefully, hindi naman magtagal ang krisis sa pandemic na COVID-19 or else, maraming showbiz celebrities ang mabuburyong na.

***

LOVI, UMAMING MAY IBANG NAGPAPASAYA SA KANYA HABANG WALA ANG BF

MAY tips si Lovi Poe sa mga babaeng may LDR (long distance relationship) na tulad niya.

Mahirap ang ganitong sitwasyon lalo na kung may krisis na pinagdaraanan.

Pero, being a strong woman, keri naman ni Lovi kahit bihira silang magkita/magkasama ng kanyang boyfriend ngayon.

Basta dapat manatili raw ang love, respect at trust, magiging matibay ang isang relasyon.

Lucky naman ang morenang Kapuso actress dahil may mga kaibigan siya na dumaramay at nangungumusta kapag medyo nakakaramdam siya ng lungkot.

Napaka-independent sa buhay ni Lovi at may tiwala sa kanya ang kanyang ina.

Nabagbag nang husto ang kanyang loob nang makita ang buhay ng mga street children lalo na ngayong may COVID-19 pandemic at nakakaranas ng taghirap ang marami sa ating mga kababayan na nawalan ng trabaho.

Umaapela at nanghihingi ng tulong ngayon si Lovi upang makapag-donate ng mga food packs para sa mga street children na wala na ngang matirhan, eh, halos wala pang makain.

May soft spot kay Lovi ang mga bata. Minana niya ang ugaling ito sa yumao niyang ama na si FPJ na mahilig ding tumulong lalo sa mga bata.

***

SOBRANG na-miss ng comedian na si Betong Sumaya ang kanyang mga co-stars sa longest-running game show na Bubble Gang.

Para na kasi silang malaking pamilya sa BG at hinahanap-hanap niya ang kanilang pagkukulitan sa set kapag may teyping dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).

Packed-up muna ang mga teyping ng mga shows sa GMA-7. Kailangan na mamalagi sa bahay upang makaiwas na mahawa sa COVID-19.

Pero, nakaisip ng paraan ang Bubble Gang stars upang kahit paano ay magkasama-sama sila. Nag-video conference ang mga BG mainstays via

Zoom at lahat ay natuwa at nagkumustahan.

***

ILANG Kapuso stars naman ang nakilahok sa paglulunsad ng Panalangin sa Gitna ng COVID-19 at ito'y pinangunahan ng Asia's Multimedia Star na si Alden Richards kasama sina Max Collins, Kristoffer Martin, Dion Ignacio, Yassi Mata, Paul Salas, Jason Abalos, Myrtle Sarrosa, Ysabel Ortega at ang ilang StarStruck alumni.

Sa pangunguna ni Bishop Efraim Tendero, Secretary-General of the World Evangelical Alliance, ang Panalangin sa Gitna ng COVID-19 ay naglalayong hilingin ang kagalingan mula sa karamdaman.

Mapapanood ang Panalangin sa Gitna ng COVID-19 sa social media page ng GMA Network.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page