Nakakita ng bituin at sinundan, sign na magiging bread winner sa pamilya
- Socrates Magnus
- Apr 1, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Olive na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Napanaginipan ko na naglalakad ako pauwi sa amin, tapos nakakita ako ng isang malaking bituin, pero gumagalaw, as in, parang eroplano, pero sure ako na hindi ‘yun eroplano dahil bilog ‘yun at malaki. Sinundan ko ‘yung bituin at humihinto sa tapat ng bahay namin.
Hindi na mawala sa isip ko ang panaginip kong ito. May mensahe ba ang bituin sa buhay ko at sa aming pamilya?
Naghihintay,
Olive
Sa iyo Olive,
Ang panaginip mo ay parang Pasko na may malaking bituin na sinundan at naroon si baby Jesus na tagapagligtas ng mundo at lahat ng tao.
Ang bituin na nakita ng Tatlong Hari ay tinatawag “Star of Jesus”. Ang bituin sa panaginip mo naman ay puwedeng tawagin na “Star of Olive” at ito ay sa dahilang ikaw ang nakakita at ang bahay kung saan ka nakatira ay ang tinatanglawan ng iyong bituin.
Bago mo isipin na pangrelihiyon ang kahulugan ng iyong panaginip, gusto kong ipaabot sa iyo na ikaw ay magiging bread winner ng pamilya ninyo o sa iyo aasa ang pamilya mo dahil yayaman ka. Gayundin, ikaw ang magliligtas sa kahirapan ng inyong pamilya.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo
Comments