Lakers walang sintomas, matapos ang 2 weeks quarantine
- MC
- Apr 1, 2020
- 1 min read

Dalawang linggo matapos na ang dalawang hindi napangalanan na manlalaro ng LA Lakers na nasuring positibo sa COVID-19, inanunsiyo na ngayon ng team na lahat ng kanilang players ay symptom-free na.
Makaraang ibunyag ng Brooklyn Nets na apat sa kanilang players kabilang na si Kevin Durant ang nagpositibo sa virus, agad na pinasuri ng Lakers ang kanilang players dahil nakalaro pa nila ang Nets noong Marso 10 sa Staples Center.
Indefinite agad ang pag-anunsiyong suspensiyon ng NBA ngayong season. Dalawang araw pang naghintay ang Lakers para sa test results at saka sila nagpa-quarantine ng 14 na araw sa loob ng kani-kanilang bahay bilang utos na rin ng team.
Labing-apat na players sa 17-man roster ang na-testing, ayon sa isang source ng NBA sa ESPN.
Hindi bumababa ng kanilang sasakyan ang Lakers player pagkadating sa test site para doon na gawin ang procedure, isang cotton swab ang ilalagay sa loob ng ilong. “The thing I think people aren’t realizing is how serious of an ordeal this is and that it’s not to be taken lightly,” ayon kay Lakers guard Alex Caruso. “Everybody said the test is uncomfortable, and it pretty much was. They just stuck a Q-tip through your nose to the back of your mouth.”





Comments