top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ECQ, ‘pag tumatagal pa, siguradong buwis-buhay na para maitawid ang gutom ng mga Pinoy, ‘kalokah!

  • Imee R. Marcos
  • Apr 1, 2020
  • 2 min read

Gutom!!!

‘Yan ang hinaing ng nakararaming mahihirap na taga-Metro Manila na naiipit sa enhance community quarantine kontra sa COVID-19. Super scary ‘yan mga friendship kapag tumagal pa ang lockdown dahil tiyak na mauubos na ang huling suweldo ng ating mga kababayan.

Nakakatakot kasi kapag wala nang makain ang ating mga kababayan, for sure, buwis-buhay ang gagawin nila para lang maitawid sa gutom ang kanilang pamilya.

Ang nakakatakot talagang senaryo na puwedeng mangyari dahil sa gutom ay ang pagdami ng krimen tulad ng panghoholdap o pagnanakaw.

Eh, hindi rin natin maaasahan nang husto ang mga opisyal ng LGUs na sagad to the max ang maipamamahaging relief goods, dahil kakarampot din ang budget. Katunayan super kawawa rin ang mga metro mayors kasi tuliro na sila kung paano pagkakasyahin ang kanilang pondo.

Sa ganitong krisis, ang tama lang sigurong gawin natin ay kalampagin to the highest level ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng NFA. Kung bakit naman kasi ayaw pang ipamigay nang libre sa madlang pipol ‘yung tone-toneladang sakong bigas na nabuburo at nakaimbak lang sa bodega nila. ‘Susmarya! Huwag nang patagalin pa yan i-donate na ASAP!

Tapos sandamakmak din na frozen goods ang nakaimbak lang sa Bureau of Customs. Bakit hindi na lang i-donate ang mga ‘yan sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mabilis itong makarating sa ating mga kababayan sa Metro Manila.

At kung gustong makatulong ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries na siyang namamahala sa regulasyon ng importasyon ng isda, maging maluwag sila para makatulong sa taumbayan!

Unahin natin ang sikmura ng ating mga kababayan para sa sakit meron silang panlaban. Hindi baleng ekonomiya natin ay mabawasan, ang mahalaga kung ang kaligtasan naman ng mamamayan ay maisasalba!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page