top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Arjo, ibinulgar ang lagay ng parents na sina Sylvia at Art matapos mag-positive sa COVID-19

  • Vinia Vivar
  • Apr 1, 2020
  • 3 min read

Sa kanyang Instagram post ngayong araw ay nagpasalamat si Arjo Atayde sa lahat ng pagmamahal at suporta ng mga tao sa kanyang mga magulang na sina Sylvia Sanchez at Art Atayde who as we all know were tested positive for CoVid-19.

“Before anything else, we’d like to thank everyone for their overwhelming love and support.

Although it is difficult and anxiety-inducing knowing that both our parents are positive with COVID-19, all the well wishes and get well soon messages have definitely uplifted our family — especially them,” bungad ni Arjo.

Ibinalita rin niyang “slowly getting better” naman daw ang kanyang mga magulang.

“A week into their self-isolation and a week after having their swab tests done, our parents are slowly getting better. Although it’s taking longer than their usual recovery time, we are happy to see them with their spirits still high,” patuloy niya.

Good thing, wala naman daw sa kanila sa bahay ang nagpapakita ng any symptoms of CoVid-19.

“Apart from that, it has enlightened us to know that no one that they have come in contact with before the quarantine and no one else here at home is showing symptoms.

“Thank you so much for your thoughts and prayers. We ask that you continue to pray for our parents, our household that nobody else contracted it, every other individual and family dealing with this same ordeal and of course, all our frontliners who continue to risk their lives everyday for our safety.

“Please all stay safe, healthy, take your vitamins and stay at home if you have the option. - Arjo, Ria, Gela and Xavi,” ang pagtatapos ni Arjo.

Matatandaang last Tuesday ay nag-post si Sylvia sa kanyang social media accounts confirming na positibo silang mag-asawa sa virus at kasalukuyan nang naka-isolate.

Dasal namin ang tuluyang paggaling nina Ibyang and Papa Art.

***

Usap-usapan ngayon sa social media ang ipinamigay na isang itlog at isang saging na saba ng mga Villar. Ipinost ng mga netizens ang larawan ng nakabalot na pagkain at sa plastic ay may nakalagay na “From: Senators Manny & Cynthia Villar, CongW Camille Villar.”

Marami ang nadismaya sa ipinamigay na ito ng mga Villar at komento ng isang netizen, “This is all the richest guy in the country can give.”

Maging ang veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis ay hindi makapaniwala na ito lang ang ipinamigay ng pamilya Villar. Ayon sa kanyang Instagram post, ang alam daw niya ay very generous ang pamilya.

“Ewan ko naman kung totoo, Salve, iyong kumalat na balita na ang ibinigay daw na ayuda ng mga Villar ay isang nilagang itlog at saging na saba.

“Kalokohang malaki na ito lang ang tulong na ibibigay nina Senator Manny at Cynthia, plus Congresswoman Camille Villar. Maaari na namigay sila ng itlog at saging pero iyong sabihing ito lang ibinigay nila, parang wala sa katinuan ang nagsabi nito.

“Hindi sa ipinagtatanggol ko ang mga Villar, pero ‘di ba, sana naman, kung merong ipipintas sa isang tao, iyong believable naman? You think the Villar will have the heart to only give nilagang itlog at saging sa panahong ito?

“Kilala bilang mga pilantropo ang mga Villar, nagbibigay sila sa mga needy at madaling lapitan para sa charity.

“Siguro nga sa ngayon, mas malaki pa ang tulong nila dahil nakita nila na talagang dapat tulungan ang mga tao. Puwede in one occasion bilang merienda naghanda sila ng itlog at saging, pero para iyon ang tanging tulong na ibinigay nila, sobra ng wild imagination ng accuser.

“Hay naku, hindi talaga napahinto ni coronavirus ang mga bashers, hindi sa lungs pumasok, sa utak talaga. Isip-isip naman para paniwalaan,” ang post ni ‘Nay Lolit.

Well, may nagpaliwanag nga ring lumabas na merienda raw ang ipinamahaging ito ng mga Villar at araw-araw daw na ibinibigay to different barangays. Kumbaga, hindi naman isahang bigay lang, kundi daily naman daw.

So, there.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page