OFWs sa China, hirap sa "no work, no pay"
- Mylene Alfonso
- Mar 31, 2020
- 2 min read

Nahihirapan umano ang mga kababayang Filipino sa China, financially dahil sa ipinatutupad na 'no work, no pay' ng kanilang mga employer sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, nananatili sarado ang mga negosyo sa naturang bansa bilang proteksiyon laban sa infection ng naturang virus.
Aniya, karamihan sa mga apektado ng no work, no pay schemes ay ang mga guro, musicians, hotel workers at household workers.
Dahil dito, umapela na ng tulong-pinansiyal ang opisyal para sa mga kababayan.
Ayon pa kay Sta. Romana, nakakaranas na rin ng hirap dahil hinihingan na umano sila ng exit visa maging ang mga undocumented Filipino migrant workers sa China na nais makauwi ng Pilipinas.
Sa ngayon, nakikipagtulungan naman ang embahada ng Pilipinas sa Department of Labor and Employment kaugnay sa posibleng tulong na maaaring ibigay sa mga OFWs.
"Ang problema dito ay trabaho, kasi karamihan sa mga kababayan natin ay mga teacher o kaya mga musician or hotel workers, at marami din ang mga household workers. Walang klase ngayon ‘no kaya karamihan sa kanilang… batay sa kanilang kontrata ay ‘no work, no pay.’ At nagtatanong nga sila kung makakaasa sila sa DOLE ‘no, iyong financial assistance or kung anumang tulong ng gobyerno. Nakiusap din ang embahada sa… tutulungan sila na makiusap sa kanilang mga employer nila na tulungan sila sa panahong ito ‘no. Kasi ang nangyayari ay underpaid sila; binabayaran lang sila ng parang living allowance ‘no, hindi iyong kanilang regular salary kasi walang klase. Ganoon din iyong sa hotel workers (unclear), at either underpaid sila or walang bayad ngayon. Kaya iyon ang problema," ani Sta. Romana.
"Madami rin tayo dito, mayroong undocumented na household workers na nawalan ng trabaho at gustong umuwi ‘no pero… mayroon kasing prosesong dadaanan na nakasaad dito 'yung kapag you turn yourself in to the Chinese police ‘no. Pero ang Chinese police ngayon, public security unit, they don’t accept new surrenderees ‘no or those who are undocumented, you need an exit visa to be able to leave. So, iyon ang katayuan ng mga Pilipino dito — on the one hand, health-wise, okay; pero mayroon mga economic problems, economic difficulties ang ilan nating mga kababayan dahil sa walang trabaho or nahinto ang trabaho habang naghihintay ngayon na ma-normalize completely ang situation," wika pa nito.





Comments