top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Namumulitika sa pamamahagi ng relief goods, lagot!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31, 2020
  • 1 min read

Malaki ang papel ng mga opisyal ng gobyerno upang maalalayan ang mamamayan lalo na sa panahon ng krisis.

Sa totoo lang, marami sa ating mga kababayan, partikular ang mga nasa laylayan ng lipunan ang walang ibang aasahan ngayon kundi ang ayuda mula sa gobyerno.

Kaugnay nito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ipaaaresto nito ang mga korup na opisyal at umaabuso sa tungkulin sa pamamahagi ng tulong sa mamamayan.

Nagbabala ang Pangulo na may kalalagyan ang sinumang matutuklasang hinahaluhan ng pulitika ang distribusyon ng relief goods.

Aniya, kapag nalaman nitong may namumulitika pa rin sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa ay papatawan niya ng suspensiyon ang mga kapalmuks na gov’t. officials.

Gayundin, sa mga ibinubulsa ang perang dapat na ipantutulong sa publiko, siniguro nitong mananagot sila.

Inihalal ang mga opisyal ng gobyerno dahil pinagkatiwaalan sila ng taumbayan at dapat lamang na gawin nila ang kanilang tungkulin ng buong tapat.

Sa ganitong pagkakataon natin higit na mapatutunayan ang malasakit ng mga lingkod-bayan. Kaya sana naman ay isantabi muna ang pansariling interes na sa unang pa lang ay hindi naman dapat ginagawa.

Tandaan n’yo, lilipas din ang krisis sa COVID-19 at may pagkakataon ang taumbayan na humatol sa susunod na halalan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page