top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kris, todo-displey ng pagtulong sa mga taga-Puerto Galera, tumangging sumaklolo sa mga kababayan sa

  • Ronalyn Seminiano
  • Mar 31, 2020
  • 4 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Angelica, ipinagsigawang ayaw nang makasama si Carlo sa isang project… Angelica, balak tumira sa isla kapag nagkapamilya na

Game na game si Angelica Panganiban na sagutin ang mga tanong ng mga netizens matapos mag-post ang isang fan niya ng: “#AskAngge please @angelica_114.”

Nakakatuwa dahil naging transparent si Angge sa mga fans niya at maraming revelations din na naganap.

About sa career, sinabi niya na kung meron man siyang gustong makatrabahong artist from different network ay si Marian Rivera raw.

Nang matanong naman siya kung kaya pa ba niyang makasama ulit si Carlo Aquino sa isang project, aniya, “Hindi na. I wish him well. Pero hindi na.”

Nagkaroon ng isyu ang dalawa after umamin si Carlo na ‘pinaasa’ lang niya si Angelica. Ang saklap kasi talaga nu’n, ‘noh!

About love life naman, muli rin niyang nabanggit na gusto niyang magka-baby. May netizen din na nagtanong kung handa na ba siyang magmahal muli.

Aniya, “Matagal nang ready.”

Natanong din siya kung may balak ba siyang iwan ang showbiz.

Sagot ni Angelica, “Pahinga siguro. Kapag may family na ‘ko. Parang mamimili na lang ako ng gagawin. Kasi sa isang isla na ‘ko nakatira nu’n.”

Saan kayang isla?

And speaking of tirahan, nabanggit din ni Angge na umalis na pala siya sa bahay niya na may elevator.

Sey niya, “Yes. Nag-downsize ako. Hindi naman praktikal ang malaking bahay, lalo na mag-isa lang ako. So kumuha ako ng apartment na mas kaya kong ma-manage.”

Samantala, we all know naman na iba ang friendship nila nina Bea Alonzo, Anne Curtis at Angel Locsin pero nang matanong si Angelica kung sino sa mga kaibigan niya sa showbiz ang itinuturing niyang best friend na alam niyang mananatili sa kanya no matter what, wala ni isa sa tatlong magagandang aktres ang nabanggit niya.

Sagot ni Angelica, “‘Yung Ketchup (Eusebio), Glaiza (De Castro), Cholo (Barretto) at buong cast ng Banana Sundae.”

♥♥♥

Enrique, umaming masaya sa birthday celebration kahit wala si Liza

Super sweet ng birthday greetings ni Liza Soberano para sa reel and real love niyang si Enrique Gil.

Nag-post si Liza ng series of photos ni Quen sa Instagram with the caption: “Happy birthday my love. Your smile never fails to make me smile. I thought you wished you were elsewhere for your birthday, that’s why I’m posting a bunch of our travel photos. Earlier, you said ‘I’m so happy, this is exactly how I want to celebrate my birthday.’ That made my heart flutter. You’re happiest when you’re with family. To more time with family, I love you!”

Sigurado namang right after nitong enhanced community quarantine ay magkakasama ulit silang dalawa na talagang inaabangan ng mga LizQuen fans.

♥♥♥

Kris, todo-displey ng pagtulong sa mga taga-Puerto Galera, tumangging sumaklolo sa mga kababayan sa Tarlac

Puring-puring muli ng mga netizens si Kris Aquino dahil sa patuloy na pagdo-donate ng bigas sa mga apektado ng enhanced community quarantine sanhi ng Coronavirus.

Makikita sa Instagram account ni Kris ang screenshot ng post ng Municipality of Puerto Galera na may caption na: “Again, our heartfelt thanks to Ms. Kris Aquino for donating 13 cavans of rice which were equally distributed to our barangay frontliners; one cavan for each barangay.”

Sey ni Kris, “I was shown this earlier… Thank you sa ngiti dahil na-appreciate ang konting effort. I am aware, blessed kami nina Kuya Josh & Bimb kasi meron kaming puwedeng maitulong…

“Marami akong natutunan sa buhay-probinsiya lalo na tungkol sa realidad sa ‘resort’ town… Ang mga residents, may mga residents, may mga maliit na taniman ng gulay sa kanilang mga bahay pero walang palayan na malapit kaya mas mahalaga talaga ang supply ng bigas…

“Masakit sa puso kasi dapat ngayon ang PEAK SEASON ng mga Galerans for tourism.”

Kuwento pa ni Kris, “I believe we find ourselves in a specific area at a specific time as part of God’s plan…

“Nakapagpadala ako ng pera sa munisipyo ulit kanina para makatulong bumili ng 25 more cavans of rice for this week. Nakakataba ng puso ‘yung sincere na pag-thank you ni Mayor Rocky ng Puerto Galera.”

Aniya pa, “I am no longer active in entertainment, nobody in my immediate family is in politics, so for me, this makes it all the more REAL – walang inaasahang kapalit, nakikiisa lamang sa mga kapwa Pinoy. Paulit-ulit akong #laban nating lahat ito at importanteng magtulungan sa abot ng makakaya.

“Hindi ko rin naman kayang maging panatag ang loob dahil lang okay kaming tatlong mag-iina habang napakaraming naghihirap kaya nagsusumikap na makaambag kahit papaano.

“I was never raised to be selfish, I was always taught to SHARE.”

Nabanggit din ni Kris na sinusumpong pa rin siya ng kanyang sakit at hindi pa rin okay ang anak niyang si Bimby.

Aniya, “Last night, nag-severe allergy ako & hinika si Bimb. Today, ‘di pa masyadong okay – my BP reading was 76/53 pero slowly, nag-i-stabilize na. ‘Yun ang problem ko ngayon, hindi na HB, drop in BP ‘pag bad allergic reaction.

“PRAYING for good health para sa lahat!”

Samantala, isang netizen naman ang humingi ng tulong kay Kris para sa mga taga-Tarlac.

Komento ng netizen, “Sana, Ms. Kris you can donate also for your kababayans here in Tarlac. Our gov’t. hospital frontliners are using only makeshift PPEs.”

Sagot naman ni Kris, “I am all the way in the Southern part of Luzon accessible only by ferry… If I am not mistaken, governor is a Yap and Noy’s former district (2nd) is also being held by a Yap – by no means I am turning my back on Tarlac, ha, pero kulang ba ang tulong nila? Sila kasi ang nakaupo kaya sila ang may higit na pondo at ‘werpa’ at unang responsibilidad para sa mga constituents nila?”

Sana naman, lahat ng pangangailangan ngayon ng mga frontliners, health workers at mga mamamayang Pinoy ay mai-provide ng pamahalaan at huwag naman sanang unahin ng mga may ‘werpa’ ang pansarili nilang kapakanan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page