top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sweet video clip nina Joshua at Janella, viral

  • Ronalyn Seminiano
  • Mar 30, 2020
  • 3 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

LOVI, NANAWAGAN NG TULONG PARA SA MGA STREET CHILDREN

Nag-post si Lovi Poe ng video sa Twitter na panawagan para sa mga street children na lubos na nangangailangan ngayon ng tulong dahil wala silang tahanang matutuluyan.

Caption ni Lovi sa naturang video: “Hi everyone! Our street children need your help and compassion now more than ever. This pandemic has led to scary and uncertain times for many of us. In the past days, @ChildHopePhilippines has joined our frontliners distribute relief but we need to help 500 more families so they can have food to eat as the days go by. If you can, please donate to Child Hope Philippines. A thousand pesos can feed a family for one week, but any amount is a big help and financial assistance will go a long way!”

Sana ay marami pa ang magtulungan lalo’t parami pa nang parami ang nakukumpirmang bilang ng positibo sa COVID-19. Hindi ito ang rason para huminto tayo sa paggawa ng mabuti. Magtulungan tayo dahil ang pagsubok na ito ang magpapatatag at lalong magpapatibay sa atin.

***

SWEET VIDEO CLIP NINA JOSHUA AT JANELLA, VIRAL

Trending ang JoshNella love team nina Joshua Garcia at Janella Salvador. Birthday kasi ngayong March 30 ni Janella at pinagpiyestahan ng mga netizens ang birthday greetings ni Joshua sa kanya.

Nag-post si Joshua sa Twitter ng sweet video clip nila ni Janella na kuha sa eksena ng The Killer Bride with the caption: “Happy Birthday to this girl. (red balloon emoji).”

Umabot ng 3.8K retweets at 40K likes ang naturang post ni Joshua at mabilis din namang nakarating ito kay Janella.

Ang simpleng reply ni Janella sa naturang tweet ni Joshua na “THANK YOU!!!” ay umani ng 1.3K retweets at 21.3K likes.

Mukhang tuluyan nang naka-move on ang mga fans ng JoshLia nina Joshua at Julia Barretto dahil tila mas bet na nila ang JoshNella, ‘noh?

Anyway, happy birthday, Janella!

***

K BROSAS, SINOPLA NG NETIZEN SA PAGLALAGAY NG PANGALAN SA RELIEF GOODS

NAKAKALOKAH ang komento ng isang netizen sa Instagram post ni K Brosas. Nag-post kasi si K ng pictures kung saan makikita ang boxes na may nakadikit na bond paper at may nakasulat na “FROM: K BROSAS.”

Caption ni K, “Be safe po lagi sa ating mga masisipag na health workers/frontliners.. alam ko pong kulang na kulang ang mga PPE’s ngayon kaya sana, tumulong tayo sa kahit konting paraan na mabigyan sila.. gusto ko mang mabigyan lahat pero hindi ko kaya, pero kung lahat tayo ay tutulong kahit pakonti-konti ay magiging malaking bagay na… God bless you all. #bayanihan #helpFromHome.”

Marami man ang pumuri sa ginawang pagtulong ni K, hindi pa rin maiiwasan na may pumuna rito.

Komento ng isang netizen, “Puwede naman sigurong ‘di na lagyan ng pangalan kung saan nanggaling.”

Reply naman ni K, “Hindi po ako ang naglagay niyan, FYI… at ‘di na ‘yun importante kung lagyan man ng name, post, etc.. basta nakatulong. Salamat at be safe.”

Tama naman si K kung tutuusin. Ang mahalaga ay nakatulong sila at hindi na rin nakakapagtaka kung bakit niya nabanggit na gusto niya sanang mabigyan ng tulong ang lahat ng mga health workers at frontliners dahil sa latest post niya sa IG ay nabanggit niyang registered nurse sa Italy ang kanyang ate. We all know naman na masalimuot din ang pinagdaraanan ng Italya ngayon dahil sa paglobo ng bilang ng mga biktima ng COVID-19.

Sey pa ni K sa piktyur ng ate niya, “This is my Ate Emily, a registered nurse sa Italy.. Actually buong family ko, nasa Italy, matagal na.. bigla akong na-sad...

“Please pray for our hardworking health workers/frontliners.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page