PNP, nagbabala na may kalalagyan ang mga pasaway na ayaw sumunod sa curfew
- BULGAR

- Mar 30, 2020
- 1 min read
Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 1, 400 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) habang 71 ang kumpirmadong namatay at 42 naman ang nakarekober sa Pilipinas, ngunit ang datos na ito ay posible pang madagdagan sapagkat libu-libo pa ang person under investigation (PUI) at person under monitoring (PUM).
Batid nating hindi biro ang mga nangyayari kaya dapat lamang na seryosohin ito sapagkat walang makapagsasabi kung kailan matatapos ang kalbaryo.
Sa kabilang banda, pumalo sa 40,000 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng 11 araw na enhanced community quarantine na ipinatupad sa Luzon dahil sa COVID-19.
Kaugnay nito, nagbabala na rin ang mga awtoridad na aarestuhin at ikukulong na ang mga lalabag sa curfew lalo't mismong mga opisyal na ng LGUs ang nagpapasaklolo dahil sa mga pasaway na pagala-gala.
Paulit-ulit nating ipinaaalala na bilang mamamayan, kailangan nating makipagtulungan sa mga kinauukulan, kung hindi tayo kabilang sa mga frontliners o wala namang importanteng gagawin sa labas, manatili lamang sa bahay.
Hindi ito ipinatutupad para tayo ay pagmalupitan, kundi para naman ito sa ating kapakanan.





Comments