Liquor ban sa Maynila, start na
- Mylene Alfonso
- Mar 30, 2020
- 1 min read

Ipatutupad na ang liquor ban sa Maynila simula ngayong araw, March 30.
Ang nasabing kautusan ay nakapaloob sa Ordinance 5555 na kinabibilangan ng pagbebenta at paggamit o pag-inom ng nakalalasing na inumin sa lahat ng kalye sa lungsod.
Ang hakbang ni Mayor Isko Moreno ay kaugnay na rin ng walang tigil na reklamo sa matitigas na ulong residente na patuloy na nag-iinuman sa kalsada at kapag nalalasing ay gumagawa ng gulo at nagiging hadlang sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Ayon pa kay Moreno, ang liquor ban ay mananatiling nakataas sa Maynila hanggang ipinatutupad ang enhanced community quarantine at hindi binabawi ang state of calamity kung saan nakapasailalim ang Maynila.
"Violation of this order by any natural or juridical person shall lead to the revocation of its (seller’s) mayor’s and business permits," ayon kay Moreno.
Idinagdag din na ang mahuhuling nag-iinuman ay kakasuhan, pagmumultahin at ikukulong depende sa desisyon ng korte.





Comments