LA Convention Center, ginawang ospital
- Lolet Abania
- Mar 30, 2020
- 1 min read

Los Angeles – Ginawang isang federal medical station ang Los Angeles Convention Center upang makatulungan sa mga ospital doon na dinadagsa ng mga tinamaan ng coronavirus o COVID-19.
Ang hakbang na ito ay pinangunahan ng Department of Health and Human Services at ng National Guard.
Inaasahan na dadami pa ang kaso ng may coronavirus ngayong linggo at kinakailangang handa na sa pasilidad ang siyudad, ayon kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti.
Sa ngayon, ang Los Angeles County ay may naitalang 5 namatay kahapon, na may kabuuang 37 ang nasawi, 332 ang nadagdag na bagong kaso, na may kabuuang bilang na 2,136 ang infected ng virus.
Samantala, in-extend ni US President Donald Trump ang social distancing guidelines hanggang Abril 30 dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng coronavirus na umabot na sa 135,499 sa Amerika, kung saan sila ang nangunguna, kasunod ang Italy na may 97,689 kaso at China 82,122 kaso, ayon sa data.
Nakikipagtulungan na rin ang Los Angeles sa ibang siyudad upang i-convert ang mga gusali na paglalagyan ng medical facilities tulad ng Jacob Javits Center ng New York City at CenturyLink Field Event Center ng Seattle.





Comments