335 Pinoy abroad, may COVID-19
- Gina Pleñago
- Mar 30, 2020
- 1 min read

Nasa 335 na Pilipino ang nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa labas ng bansa.
Batay sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang bilang ay mula sa tatlumpung mga bansa na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Nasa 220 ang sumasailalim sa gamutan habang umabot naman sa 111 ang nakarekober at nakalabas na ng ospital, bagama't apat naman ang naitalang nasawi.
Napag-alaman na nasa 10 milyong mga overseas Filipino workers (OFWs) ang naninirahan at nagtatrabaho sa buong mundo.





Comments