Enhanced community quarantine vs. COVID-19 wa' epek, Palasyo pumalag
- Mylene Alfonso
- Mar 29, 2020
- 1 min read

Pinabulaanan ng Malacañang na hindi epektibo ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa Luzon para labanan ang COVID-19 makaraang lumobo sa 1,418 ang kumpirmadong kaso nito.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nasa likod ng pagtaas ng bilang na may kaso ng COVID-19 ay nang maging available ang testing kits at naging mas marami na ang testing center.
“Some quarters expressed the opinion that such an increased number of COVID-19 cases shows that enhanced community quarantine or partial lockdown is ineffective in flattening the curve. We beg to disagree,” ani Panelo.
“As the manufacture and supply of testing kits become available, plus the establishment of additional COVID-19 testing centers, there are more people being tested now than before, necessarily the hitherto unknown cases of COVID-19 have surfaced hence the galloping increase in number,” dagdag pa ng kalihim.
Ipinunto ni Panelo na posibleng mas tumaas pa ang kaso ng naturang epidemya kung hindi agad naipatupad ang mahigpit na quarantine measures at nalimitahan ang galaw ng publiko.
Nabatid na epektibo ang Luzon-wide enhanced community quarantine hanggang madaling-araw ng April 13, 2020.
Tiniyak pa ni Panelo na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang masugpo ang paglaganap ng COVID-19.





Comments