top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

370 Pinoy mula Italy, nakauwi na ng 'Pinas

  • BRT
  • Mar 29, 2020
  • 1 min read

Nakauwi na ng bansa ang nasa 370 Filipino crew members mula sa tatlong cruise ship na nakadaong sa Italy, Sabado ng gabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ay bahagi ng hakbang ng gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa abroad sa banta ng COVID-19.

Kabilang sa mga ni-repatriate ang 248 Filipino mula sa MV Costa Luminosa sa Milan, at 122 Filipinos mula naman sa MV Grandiosa at MV Opera na nakadaong sa Rome.

Napauwi ng bansa ang mga Pinoy crew members sa pamamagitan ng chartered flight sa tulong ng Philippine Embassy sa Rome, Philippine Consulate General sa Milan at DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs.

Samantala, sumailalim muna sa medical check-up ang mga ito at nakitang asymptomatic bago sumakay ng eroplano.

Sasalang din sa mandatory 14-day facility-based quarantine ang mga Filipino sa pangunguna ng Bureau of Quarantine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page