top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

2022 FIBA Women's World Cup balik Torneo sa Australia

  • A. Servinio
  • Mar 29, 2020
  • 1 min read

Babalik sa bansang Australia ang FIBA Women’s World Cup sa taong 2022. Lahat ng laro ay gaganapin sa Sydney at ito ang pangalawang pagkakataon na magsisilbi silang punong abala matapos ang matagumpay na 1994 na torneo.

Sa huli, namili ang FIBA sa pagitan ng Australia at Russia, dalawang bansa na may mayaman na kasaysayan sa basketball ng kababaihan. Kampeon ang Australia noong 2006 habang nagwagi ng anim sa pitong torneo ang Russia mula 1959 hanggang 1983 noong bahagi pa ito ng Soviet Union.

Ang Estados Unidos ang defending champion at hahanapin nila ang kanilang ikaapat na sunod na titulo, tampok ang mga bituin ng Women’s National Basketball Association (WNBA). Mula nang itatag ang World Cup noong 1953, 10 sa 18 ay nauwi ng mga Amerikana.

Nais din burahin ng Estados Unidos ang alaala ng huling FIBA Women’s World Cup sa Australia kung saan pumangatlo lang sila. Napunta sa Brazil ang kanilang una at nag-iisang kampeonato.

Isang dosenang koponan ang nakatakdang maglaro, mas kaunti sa 16 na naglaro noong 2018 sa Espanya. Magsisimula sa 2021 ang mga torneo na magsisilbing qualifier gaya ng 2021 FIBA Women’s Asia Cup.

Hindi pa nakakalahok ang Pilipinas sa World Cup pero nakatikim ng tagumpay ang mga ibang bansa sa Asya. Pumangalawa ang Timog Korea noong 1967, Japan noong 1975 at Tsina noong 1994.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page