top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

‘Di raw siya nadadala sa mga pambobola… Kris, ipinagsigawang bastos si VG Mark kaya binasted sa socm

  • Ronalyn Seminiano
  • Mar 29, 2020
  • 4 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Mababasa ang quotation na “In our waiting, GOD IS WORKING” sa Instagram post ni Kris Aquino na may caption na nagpapaalala ng mga kailangang gawin ngayong nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Aniya, “Posting this to remind us, kailangan pa ng pasensiya, pag-unawa, pagkalinga, pagtulong at pagsunod sa lockdown/community quarantine para sa sariling kalusugan at mas importante, para hindi magkaroon ng virus ang mga kaibigan, katrabaho at ‘yung mga elderly sa community at siyempre, ‘yung mga may asthma, heart, lungs, autoimmune, and cancer plus other health issues na gusto nating pag-ingatan dahil may malasakit tayo sa kapwa – ‘yung mga ‘vulnerable’ ang immunity na mahal natin… extra prayers para sa mga sobrang dedicated na MEMBERS NG MEDICAL COMMUNITY na dapat nating suportahan at protektahan para hindi sila malagay sa kapahamakan.”

Naikuwento rin ni Kris sa kanyang post na umatake ulit ang kanyang autoimmune disease kung saan aniya ay nakaramdam siya ng “hard to explain fatigue” pero nagpapasalamat siya na mayroon siyang sapat na gamot kaya hindi masyadong nag-aalala ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

Samantala, may post din si Kris tungkol sa pag-ibig na mukhang luma-“lablayp” na ulit ang Queen of All Media.

Makikita ang picture ng dalawang sweet na tigre na may nakalagay na “CHOOSE THOSE WHO CHOOSE YOU” sa kanyang IG account at caption niya: “Siguro ‘social distancing’ is making us feel lonely kaya maraming #hugot posts… pati ako, super #emo ‘yung playlist that I’ve been listening to, #honest lang.

“Para maging mas simple ang buhay, siguro, magandang sundin ang payo ng artcard na ‘to… mag-love life forum tayo, let’s chat, straight from the heart. Sino ‘yung mga #blessed na nakapili at pinili na?”

Diretsahan namang komento ni Mark Leviste, “I choose you (with yellow heart emoji).”

Super-kinilig ang mga netizens sa komento na ‘yun ng Batangas vice-governor at may nagsabi pa ng… “Social distancing courtship,” na ni-reply-an naman ni Kris ng… “No, thank you, no offense.”

Kahit ganu’n ang naging reply ni Kris sa komento ng netizen na nagsi-ship sa kanilang dalawa ni Batangas VG Mark, hindi pa rin nagpatalo ang mga netizens at patuloy na nagpahayag ng kilig sa kanilang dalawa.

Nag-reply naman si Kris sa komento ng netizen na, “@markleviste, hahaha. @krisaquino, pinili ka na, try.”

Aniya, “It’s not healthy to entertain someone when you know in your heart that feelings for another haven’t been totally extinguished – I think the saying is when you know there are still broken fragments, don’t make someone else pick up the pieces- he’ll end up getting hurt & you won’t become whole again… repairing what’s broken is a job only for the one who still grieves because the new person had nothing to do with what is your personal pain from the past… unless I resolve that, I have no business letting someone new into my life. My heart has to know there are absolutely no leftover feelings… (broken heart emoji).”

Reply naman ni Mark sa tila pambabasted sa kanya ni Kris: “@krisaquino Thank you for being honest and open! #nakapili pero hindi #pinili.”

Nakakaintriga naman ang sagot ni Kristeta sa komento ng netizen na “Ms. @krisaquino, puwede mag-ask, bakit ‘di n’yo bigyan ng chance si Sir Mark Leviste? Thanks.”

Sey ni Kris, “He wasn’t very polite w/ his text messages & to quote Jennifer Aniston from way back- there was a ‘sensitivity chip missing’ that’s why I chose the safe out-bringing up someone from the past- it’s much more proper because nobody is to blame.

“Hindi ako nabobola sa IG comment. Words mean very little when not backed by action.”

Ermmm, grabe palang mambasted si Kris, pero true na true ang kanyang mga sinabi.

◘◘◘

Luis, nag-post ng piktyur nila ni Jessy, Sinita ng netizen na wrong timing daw sa Covid-19

NAKAKALOKA ang reaksiyon ng isang netizen sa Instagram post ni Luis Manzano na sweet photo nila ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola kung saan simpleng “Hi (heart emoji)” lang ang caption ng aktor.

Sey ng netizen, “Ser Luis, sana po ‘wag muna kayong mag-post ng ganitong picture during this time lang po. Parang pakikisimpatya na rin po sa mga nangyayari. Pasensiya na ser.”

Sinabi naman ni Luis na throwback lang ang nasabing piktyur nila ni Jessy pero nagkaroon ng tensiyon dahil sa reply ng iba pang netizens.

Komento ng isa pang netizen, “@luckymanzano, sana naka-specify kung totoo man.”

Reply naman ni Luis, “Wow, ha, adjust kaming lahat sa ‘yo. Send ko na lang muna sa ‘yo lahat ng future posts ko, pa-approve na lang muna.”

Sabi tuloy ng isa pang netizen, “@luckymanzano HAHAHAHAH. Gusto ko ‘tong may approval pa.”

Sey naman ni Luis, “Aba’y nakakahiya, eh, baka i-send ko rin ang ipapabili ko sa tindahan next week, baka may kulang pa para sa kanya.”

◘◘◘

Angelica, inip nang magkadyowa, Gusto nang magkaanak

PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens ang tweet ni Angelica Panganiban na originally ay ipinost ng isang netizen na throwback photo kung saan kasama ng kuwela at magandang aktres sina Bea Alonzo at Anne Curtis pero may isang lalaki rin na napasama sa naturang larawan.

Sey ni Angelica, “Uhm, puwede pong pa-edit? Palagay si (Angel) Locsin du’n sa mabutihing photo bomber. Hahahaha.”

Napakaraming netizens ang game na game na pinaglaruan ang piktyur nila at talagang umiral ang creativity nila sa photo editing. May naglagay ng naka-Darna costume si Angel, meron ding kuha sa Mulawin. Pero ang pinakanakakaaliw ay ang kuha ni Angel sa La Luna Sangre kung saan nakalabas pa ang pangil niya.

Ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram Stories ang naturang edited photo kasama si Angel at nilagyan ng caption na: “Ayun, nagalit si Mars. ‘Di natin siya na-invite sa cuisine 15 years ago.”

Mabuti na lang at hindi naging isyu kay Angel na naging pasimuno si Angelica para paglaruan ng mga netizens ang piktyur niya.

Samantala, ipinost din ni Angelica sa Twitter ang post ng isang fan page na apat na piktyur niya nu’ng bata pa siya.

Sey ni Angelica, “Haaay. Gusto ko nang magkaanak!”

Karamihan naman sa komento ng mga netizens ay humanap daw muna si Angelica ng jowa para magkaanak na.

Well, sa ganda at bait na ‘yan ni Angge, naku, ‘di na malabong magkajowa ‘yan agad, ‘no!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page