Pahiwatig na kailangan ng kalayaan sa magulong love life
- Socrates Magnus
- Mar 28, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Dulce ng Dulce Amore na ipinadala sa Facebook Messeger.
Dear Professor,
Napanaginipan ko na naliligo ako sa ulan sa gitna ng street namin, pero wala akong suot na kahit ano. Nagulat ako sa panaginip ko na ito dahil pinalaki kami ng mga magulang ko na disiplinado at hindi kami lumalabas ng bahay kahit ngayong malalaki na kami.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip kong ito? Maraming salamat!
Naghihintay,
Dulce
Sa iyo Dulce,
Ang naliligo na walang suot na kahit ano ay nagsasabing ang nanaginip ay naghahanap ng kalayaan. Dahil dito, ikaw ay makikitang hindi malaya at ang kawalan mo ng kalayaan ay nagbubunga ng matinding kalungkutan.
Baka isipin mo, dahil bawal ang lumabas ng bahay dahil ang lahat ay inuutusan na manatili sa bahay ay sabihin mo na wala ka ngang kalayaan.
Totoong sa mga ilang araw pa, as in, kapag nagtagal ang sitwasyon na hindi makalabas ng bahay ang mga tao, lalo na kung maghihigpit pa ang mga awtoridad, marami ang mananaginip na sila ay malaya sa kanilang mga panaginip.
Kaya lang, ayon sa iyong panaginip, ikaw ay dehado sa kalayaan mula sa pakikipagrelasyon dahil ang tubig o ulan ay iniuugnay sa damdamin kaya sa aspetong ito ay wala kang kalayaan.
Bilang karagdagan, ang nanaginip na naliligo nang walang suot ay pinaniniwalaang hindi rin magtatagal ay tatakasan na niya ang kanyang relasyon kung saan dehado o agrabiyado ang nanaginip.
Hanggang sa muli,
Professsor Seigusmundo del Mundo





Comments