top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kris, biglang nakalimutan ang sakit dahil sa 2 ‘suitors’

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 28, 2020
  • 3 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Team Vico vs. Team Isko

Sa panahon ng deadly pandemic na COVID-19, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho, nagsara ang mga establishments, naparalisa ang transportation at nag-panic ang karamihan.

Idineklara rin ang ECQ (enhanced community quarantine) kaya stay at home ang lahat. Nagpairal ng curfew sa buong Metro Manila. Nag-lockdown ang iba't ibang bayan at siyudad at sa panahong ito na kailangang may mamahalang LGUs (local government units), lumutang ang dalawang masisipag na batang mayors na sina Yorme Isko Moreno ng Manila at Mayor Vico Sotto ng Pasig City.

Agad-agad silang kumilos upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents sa gitna ng krisis at pandemic na COVID-19.

Si Mayor Vico, ang paghahanda ng mga food packs at relief goods ang agad na inaksiyunan. Nagtayo rin siya ng mga tents upang doon gawin ang pag-eeksamin sa mga posibleng positive sa COVID-19.

Nagpadala rin siya ng goods sa mga health workers at frontliners sa mga ospital ng Pasig. Siya rin ang nag-initiate ng rolling stores upang ilapit sa mga tao ang palengke. Nagpamudmod din siya ng food certificates para sa mahihirap na estudyante sa Pasig.

Bumandera nang husto si Mayor Vico at naging idolo ng marami. Pero, mukhang mahahati ang mga supporters ng dalawang mayors dahil may Team Vico at Team Yorme Isko na ngayon.

***

WILLIE, NAGPAMUDMOD NG P100,000 SA FACEBOOK LIVE NG SHOW

SA isang episode ng Wowowin's Tutok to Win na ginawa sa studio ni Willie Revillame sa rest house niya sa Puerto Galera via Facebook Live at YouTube ay namigay siya agad ng P100,000 sa ilang mapalad na tumutok sa kanyang show.

May pitong natawagang viewers na nakasagot nang tama sa tanong ni Willie na nagkamit ng P10,000 cash each.

May tatlo namang hindi tama ang sagot pero binigyan pa rin ng tig-P5,000 for the effort na nanood ng Wowowin Live Tutok to Win.

Isa naman sa masusuwerteng tinawagan na taga-Laguna na Angel ang name ang nagda-dialysis pala at na-stroke pa ang kanyang nanay na kasama niya sa bahay. Naawa at nabagbag ang loob ni Willie kaya sa halip na P10,000 lang ang premyo, ginawa na niyang P15,000.

Nakakatuwa naman 'yung isang tinawagan ni Revillame na wala raw TV set sa bahay. Sa Facebook Live lang ng Wowowin siya nanood at nag-register.

'Yung isa naman, eh, nagkataon daw na brown-out sa lugar nila kaya hindi nakapanood ng taped Wowowin show ni Willie.

Well, ang Tutok to Win ng Wowowin FB Live ay nakapagtala ng 28,000 views sa unang araw pa lamang at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na episodes.

***

KRIS, BIGLANG NAKALIMUTAN ANG SAKIT DAHIL SA 2 ‘SUITORS’

LOVE LIFE lang pala ang magbibigay ng sigla at saya ngayon kay Kris Aquino at ikinatuwa ng kanyang mga fans na kahit pansamantala ay nakalimutan ni Kristeta ang kanyang mga iniindang sakit.

May kilig na nararamdaman ang mga followers ni Kris sa mga palitan ng comment ng TV host at ng dalawang lalaking nagpaparamdam sa kanya na sina Atty. Gideon Peña at Batangas Vice-Governor Mark Leviste.

Vocal si VG Mark na type niya si Kris at mukhang may mahigpit siyang karibal dahil si Atty. Gideon ang unang na-link kay Tetay.

Well, it seems nagkukulay-rosas na naman ang paligid ni Kris at nagsisilbing moral booster niya ang atensiyon na nakukuha kina Atty. Gideon at Vice-Gov. Mark.

Wish din ng mga fans and supporters ni Kris, muli na siyang makabalik sa pagho-host sa telebisyon upang manumbalik na ang kanyang lakas at kalusugan. Ito ang magsisilbing bitamina ni Kris dahil sobra niyang mahal ang kanyang hosting job.

Nasa sistema na ng kanyang katauhan ang pagkakaroon ng daily show dahil matagal na rito umikot ang kanyang mundo.

***

BONG AT LANI, HIWALAY SA 34TH WEDDING ANNIVERSARY

NAG-SELF-QUARANTINE na si Sen. Bong Revilla, Jr. at ganu’n din si Bacoor Mayor Lani Mercado kaya hindi nila nagawang i-celebrate nang magkasama ang kanilang 34th wedding anniversary.

Naging virtual na lamang ang kanilang pagbati sa isa't isa at kani-kanya silang post habang magkalayo. Nag-flying kiss na lamang sila sa kanilang post sa social media.

Iniisip na lamang nina Sen. Bong at Mayor Lani na sila ay magkasama at magkayakap noong kanilang wedding anniversary. Nag-iingat lang sila sa COVID-19.

Samantala, naging abala naman si Batangas Vice-Governor Jolo Revilla sa pagsu-supervise sa pagre-repack ng mga relief goods at food packs upang i-distribute sa iba't ibang bayan ng Cavite. Nag-donate rin ng face shields si VG Jolo na kanilang ipinagawa. Ito ay ipinamigay nila sa mga health workers na nagtatrabaho sa mga government hospitals sa Cavite.

Pati face mask at alcohol ay kanila ring idino-donate sa mga barangay na nangangailangan.

Handang-handa si VG Jolo kapag may mga kalamidad-disaster na dumarating sa Cavite. Natuto siya kina Sen. Bong at Mayor Lani.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page