Kaya 'di makaalis sa nanay… Julia, ipinagsigawang kailangan si Marjorie makati
- Beth Gelena
- Mar 28, 2020
- 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files
Sa mga selfie posts ni Julia Barretto sa bawat sulok ng kanyang magarbong bagong bahay ay para na rin niyang itinour ang mga netizens na nakakakita nito.
Last year pa lumipat si Julia sa kanyang bahay at mag-isa lang siyang naninirahan doon.
Sa mga kuhang larawan, maganda ang pagkakadisenyo nito na akmang-akma sa kanyang pagkatao. Halos wall mirror ang kabuuan ng bahay. Maging ang bathroom ay full of mirror.
At sa palagay namin, parang ang aliwalas tingnan ng new house ni Julia na hindi naman kalayuan sa tahanan ng ina niyang si Marjorie Barretto.
Nauna na niyang nasabi last year kung bakit malapit sa kanyang pamilya ang nilipatan niya.
Esplika ni Julia, "People often find it weird and usually ask me, 'Why?' and I simply answer, 'Why not?'"
"My mom is my bestest friend and my number one source of strength.
"Even though she has raised me to be independent and brave, I still don't see any reason why I should be far away from her,” dagdag pa ni Julia.
"Sa totoo lang, kailangan ko pa rin siya.
"At least, I still get to have breakfast, lunch, and dinner at her place. Makakatipid pa rin ako sa ulam at kanin," dugtong pa ng young actress.
Pero dahil sa enhanced community quarantine, natuto na ring magluto si Julia ng kanyang kakainin.
Maging ang mga gawaing bahay ay kanya na ring ginagawa.
Thankful naman siya dahil natuto siya sa mga domestic na gawain.
Well, well, well, bilang independent person, kailangan naman talaga na alam ang lahat ng gawaing-bahay.
***
ELLEN, KUMANTA NA KUNG BAKIT 'DI IPINAPAKITA ANG ANAK SA MADLANG PIPOL

IMBIYERNANG sinagot ni Ellen Adarna ang netizen na nagtanong sa kanya kung ilang taon na ang anak nila ni John Lloyd Cruz at bakit ‘di raw niya ipino-post sa kanyang social media account ang tungkol sa anak.
Ani Ellen kay @karen_9_8, “His father and I are protecting him and his privacy from chismosas like you.”
Hahahaha! ‘Kaaliw, 'di ba? Tahasang sinabihan ni Ellen na TSISMOSA ang netizen kaya natameme ito at ‘di na niresbakan ng ibang tanong ang sexy actress.
Samantala, sa socmed account pa rin ni Ellen, sinabi niyang hindi siya natutuwa kapag may mga taong nagdurusa sa gitna ng krisis ng COVID-19 sa Pilipinas.
May nagkomento kasing apathetic siya dahil nagsa-suffer ang mga kababayan niya sa Davao lalo na ang mga PUIs (person under investigation).
Hindi nagustuhan ni Ellen ang komento ng netizen kaya ipinaalam niyang mismong si Davao Vice-Mayor Baste Duterte ang tumawag sa kanya para magamit ang isang hotel na sila ang nagmamay-ari.
Ibinahagi rin ni Ellen ang screenshot ng message kung saan nagpapasalamat ang isang netizen sa ginawang pagtulong ng kanyang pamilya.
Post ni Ellen, “To some haters messaging me about puro lang ako 'happy-happy' and I'm not doing anything to help, here is my reply to you. @sebastianduterte called me and asked me if it was possible to use one of our establishments in Davao and okay na. Solved na. Sabta mga bashers na 'di kasabot (Intindihan n'yo mga bashers na hindi nakakaintindi)."
Ayan, nagpaliwanag na si Ellen, siguro naman, titigilan na ng mga bashers ang panlalait sa ex ni JLC.





Comments