15-anyos na gustong ligawan ang crush, nalilito
- Roma Amor
- Mar 28, 2020
- 2 min read

Dear Roma,
Ako si Nico, 15 years old at nag-aaral. May nagugustuhan ako sa school namin, maganda siya, in fact, nagiging muse pa siya kapag intrams namin. Maraming nanliligaw sa kanya dahil hindi lang siya maganda kundi matalino pa.
Nalaman ko na halos magkapitbahay lang kami, kaya tuwing uwian ay nakikita ko siya sa pilahan ng tricycle papasok sa subdivision sa amin. Minsan, nagkasabay kami sa tricycle at du’n ko nalaman kung saan siya nakatira. Siyempre, nilibre ko siya ng pamasahe at nagulat ako dahil tinawag niya ang pangalan ko at nagpasalamat.
Natulala ako sa kanya, pagkatapos ay nautal ako sa pagsasalita, pero ngumiti lang siya sa akin. Ninerbiyos ako, pero masaya ako nu’ng araw na ‘yun. Pagkatapos nu’n, madalas na kaming magkasabay sa pag-uwi. Hinihintay niya ako ‘pag nauuna siyang lumabas sa gate ng school at ganundin ako.
Alam kong masyado pa kaming bata para maging magkasintahan, pero dapat bang dumistansiya na lang ako sa kanya o hayaan ko na lang, tutal hindi ko pa naman siya nililigawan? – Nico
Nico,
Masaya ang ganyang edad dahil marami kang gustong gawin at alamin. Natural na nagkakaroon ka ng crush dahil normal lang ‘yan sa edad mo. Maganda rin na may nagkakagusto sa’yo dahil ibig sabihin, maayos ang pagpapalaki sa’yo ng iyong mga magulang. Tama na ipahayag mo ang nararamdaman mo sa babaeng nagugustuhan mo para malaman mo kung nagugustuhan ka rin niya.
Kung sakali na alam na ninyong dalawa ang feelings ninyo sa isa’t isa, mabuting hanggang du’n lang muna at maging mabuti kayong magkaibigan— higit sa pagkakaibigan, pero hindi magkasintahan. Mainam din na magkaroon kayo ng limitasyon dahil bata pa kayo para sa ganu’ng bagay at mabuting ipaalam ninyo ito sa inyong mgamagulang para mapayuhan kayo nang husto.
Good luck!





Comments