top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Jennylyn sa mga pa-VIP sa COVID testing: ‘Wag n’yong unahin ang inyong sarili

  • Nitz Miralles
  • Mar 27, 2020
  • 3 min read

Nitz Miralles / Bida

Angel, nanghingi ng tulong sa mga taga-showbiz para sa charity project

May update si Angel Locsin sa kanyang #UniTENTweStandPH project para makatulong sa overcrowding sa hospitals ng Covid-19 patients.

Kahapon, dalawang tents na ang isinet-up sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at dalawa ring tents sa Las Piñas Doctors Hospital.

Nabasa namin ang mga pangalan nina Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Vhong Navarro and wife, Erwan Heussaff, Dimples Romana sa mga taga-showbiz na nag-donate ng pera. Nag-donate rin ang fiancé ni Angel na si Neil Arce and the rest, non-showbiz people na ang nag-donate na sa unang araw pa lang ng panawagan ni Angel, umabot na sa P1 M.

Maraming tents ang maise-setup nina Angel habang dumarami ang nagdo-donate para nga mabawasan ang pagsisikip sa dami ng pasyente sa loob ng mga hospitals.

Pinayapa naman ni Angel ang mga nababahala niyang followers, hindi siya pumapasok sa loob ng hospital, sa labas lang siya.

♥♥♥

Jennylyn sa mga pa-VIP sa COVID testing: ‘Wag n’yong unahin ang inyong sarili

Kabilang si Jennylyn Mercado sa mga humihiling o nananawagan sa gobyerno ng maraming test kits para sa mga Pilipino. Naglabas ng kanyang opinyon ang leading lady ng Descendants of the Sun sa kakulangan ng test kits.

“Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana, dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas madaming ma-test na nangangailangan nito,” pahayag ni Jennylyn.

Panawagan pa ni Jennylyn, sumunod sa guidelines ng COVID-19 testing kung saan priority ang mga taong may sintomas ng virus at hindi ang mga VIP na ginagamit ang kanilang power para sa sariling kapakanan.

Paalala ni Jennylyn, “Habang limited pa ang test kits, lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming ipinapaalala doon sa mga taong may power o privilege na maging “VIP” na ‘wag ninyong unahin ang inyong self-interest.”

Nauna rito, nanawagan din si Jennylyn sa mga barangay captain na ang kanilang nasasakupan ay hindi pa nakatatanggap ng food packs. Sana naman daw, bilis-bilisan na ang pagdi-distribute dahil nagugutom na ang mga tao.

♥♥♥

Sorry sa pagkakalat ng COVID-19, ayaw tanggapin…

Mylene kay Sen. Koko: Mahiya ka! Kinamumuhian kita

Ang sagot ni Agot Isidro kay Sen. Koko Pimentel na nag-sorry at nakiusap na ‘wag silang i-discriminate ng kanyang asawa dahil sa nangyari sa Makati Medical Center, “Your privilege discriminated other people from taking the test. You knew you were at risk! Sumusunod kami sa patakaran. Senador ka, kayo ang gumagawa ng mga patakaran. At magpapaawa ka ngayon? ‘Wag kami, Koko. ‘Wag ngayon,” at sinundan ng “You had yourself tested, you broke quarantine guidelines, you visited a hospital risking the health of the many doctors and nurses and patients there.”

Pero mas matapang ang pahayag ni Mylene Dizon laban kay Sen. Koko, “Wala. What you did was not stupidity. It was pure selfishness. You, sir, sitting on your senatorial seat, should be shamed. No, I will not accept your apology. Don’t even try. Kinamumuhian kita.”

Sa suggestion naman na mag-apologize si Sen. Koko sa mga healthcare workers at sa mga taong hindi mabibigyan ng medical services dahil ibibigay sa staff niya, maging sa panawagang mag-apologize rin ang senador sa buong Pilipinas at mag-resign, reaksiyon ni Mylene, “That’s not enough. Maybe if he donated all his wealth, lahat, ha, toward this fight vs. covid, baka ‘yun, puwede na.”

Dagdag pa ni Mylene, hindi katangahan kundi kagaguhan ang ginawa ni Sen. Koko at nag-agree sa kanya ang sambayanang Pilipino.

♥♥♥

Max, sa swimming pool, ‘di sa ospital gustong manganak

Sa July pa manganganak si Max Collins na hopefully, by then, wala na ang Covid-19, pero nag-aalala pa rin ang aktres na manganak sa ospital. Kaya ang balak nila ng asawang si Pancho Magno, sa bahay na lang siya manganak.

Tinawag na home birthing ang panganganak sa bahay at isa pang naisip ng mag-asawa ay ang water birthing. Naghahanap na raw sila ng swimming pool para ru’n siya manganak.

“Hindi ako comfortable manganak sa hospital, kaya gusto ko water birthing. Pinag-iisipan na namin ni Pancho,” sabi ni Max sa isang interview.

May ilang celebrities kaming alam na home birthing o water birthing ang ginawa na tinutulungan ng midwife at coach. Matagal-tagal pa naman ang July, baka mabago pa ang isip ni Max.

Baby boy ang isisilang ni Max kahit nabanggit niya na baby girl ang gusto ni Pancho dahil malambing at para maging daddy’s girl, pero siguradong matutuwa ang aktor ‘pag

isinilang na ni Max ang baby nila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page