top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pinoy Olympics boxer mas makapag-eensayo pa sap ag-atras sa 2021 ng Tokyo Games

  • Gerard Arce
  • Mar 26, 2020
  • 2 min read

Higit na pabor ang nakararami sa naging desisyon ng International Olympic Committee (IOC) na iurong ang 2020 Tokyo Olympics sa susunod na taon – na isa umanong makatao at matalinong hakbang para sa pangkalahatan – kasunod ng pananalasa ng mapamuksang coronovirus (Covid-19) pandemic sa buong mundo.

Positibo ang naging resulta mula sa iba’t ibang panig ng pampalakasan na tiyak na ikinalugod at ikinakuntento ng mga pinuno at pambansang atleta, lalo na ang amateur boxing community na nakapag-ambag na ng dalawang boksingero sa katauhan nina Eumir Felix Marcial at Irish Magno sa Tokyo Olympics.

“We [ABAP] think that this is for the best. Mr. [Ricky] Vargas reaction was that it was inevitable and a wise decision by the IOC,” pahayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines secretary-general Ed Picson sa BULGAR mula sa text messages. “With the Olympics only four months away and uncertainty still in the air world-wide,” dagdag nito.

Aminado siya na ang hakbang na ginawa ni IOC president Thomas Bach at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay malaking responsibilidad na kailangang gawin. Mabibigyan din umano ng pagkakataon ang kanilanng mga atleta na makapaghanda at makapagsanay ng mas matagal pa.

Sinang-ayunan din ni Tokyo Olympics-bound Irish Magno ang tugon ni Picson na madaragdagan pa ang mga oras ng paghahanda nila basta't hindi malalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga atleta.

“Mas better po [postponed], kasi mas mapaghahandaan po namin iyong laro dahil mas maraming time na po to prepare,” ika ng 28-anyos na tubong Janiuay, Iloilo sa panayam sa social media. “Lalo po ngayon na mahirap sa amin na mag-ensayo dahil sa virus, kaya iyong health at safety po ng athletes iyong importante,” dagdag nito.

Hindi man nagawang makakuha sa ngayon ang inaasam na direktang slot sa Summer Olympics sa nakalipas na Qualifying Tournament sa Amman, Jordan nitong buwan, kapakanan pa rin ng nakararami ang nasa isip ni 2019 World women’s under-57kgs Featherweight class champion Nesthy Petecio.

“Pabor ako sa ginawa nila dahil mas pinili nila 'yung kapakanan ng nakakarami. Mas pinili nila ang kaligtasan ng mga atleta at ibang tao,” ika ni Petecio. “Iyong Olympics po andiyan lang 'yan marami pa 'yan pero 'yung buhay isa lang' yan,” dagdag nito. Sa ngayon ay maghihintay ang buong mundo sa eksaktong petsa kung kailan gagawin ang Olympics na tinatayang hindi lalampas sa Summer ng 2021.

Aasa pa rin sina Petecio, Carlo Paalam, Riza Pasuit, James Palicte at Ian Clark Bautista na makakuha ng silya para sa quadrennial meet sa sakaling magkaroon ng isa pang selection para sa quadrennial meet, kung saan nakatakda sanang gawin ang huling OQT sa World Championship sa Mayo 13-20 sa Paris, France.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page