Kumakalat na naka-ventilator, tinanggihan ng St. Luke's, inilipad pa-Singapore, FAKE NEWS... BBM
- Mylene Alfonso
- Mar 26, 2020
- 1 min read

Nilinaw ng kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na hindi siya nagtungo sa Singapore sakay ng eroplano ni Mayor Chavit Singson.
Ayon kay Senator Imee Marcos, hindi naka-ventilator ang kanyang kapatid at hindi rin tinanggihan sa St. Luke's Medical Center sa Global City, Taguig.
Nagdesisyon umano sila na iuwi ang dating senador dahil sa wala nang available na kuwarto sa nasabing ospital.
Kinumpirma ng Pamilya Marcos na may pneumonia si Bongbong ngunit, patuloy pa itong nagpapagaling at bumubuti naman ang lagay nito.





Comments