Magsasaka, mangingisda exempted sa lockdown
- BRT
- Mar 26, 2020
- 1 min read

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) para matiyak ang sapat na supply ng mga agricultural products sa panahon ng total lockdown sa buong Luzon.
Nakapaloob ito sa Resolution No. 15 ng IATF na binasa ni Cabinet Sec. Karlo Nograles sa isinagawang “Virtual Presser” sa Malacañang.
Batay sa resolusyon, pinapayagan ang mga pagsasaka at pangingisda at pagbibigay ng exemption sa mga malulusog na magsasaka, mangingisda, farm workers at agri-business personnel sa lockdown o travel ban para makapagsaka o makapangisda.
Pinapayagan din ang mga agricultural supply stores o outlets, gayundin ang mga veterinary clinics na manatiling bukas sa panahon ng lockdown.
Comments