Horoscope | Marso 26, 2020 (Huwebes)
- Maestro Honorio Ong
- Mar 26, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Marso 26, 2020 (Huwebes): Ituloy mo lang ang pagtupad sa iyong mga pangarap. Hindi ka dapat matinag dahil sa huli, lubus-lubos na matutupad ang mga ito.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit ano ang nagaganap na kalituhan sa iyong kapaligiran, huwag mong iaatras ang iyong hangaring magtagumpay sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-red.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ang magagandang ideya na noon pa man ay naisip mo na. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa kapwa mo at iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown.
GEMINI (May 21-June 20) - Maging mapanuri ka ngayon dahil hindi lahat ng balita ay tunay na balita. Huwag kang magpapadaya dahil marami ang mananamantala sa takot ng mga tao para lalong gumulo. Masuwerteng kulay-white.
CANCER (June 21-July 22) - Matatahimik ka kapag hindi ka umalis ng bahay. Kapag lumabas ka, mag-aalala ka at ang pag-aalala ay nagpapahina ng kalusagan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panatilihin mo ang distansya sa mga kakausapin mo. Mas mabuti na ang nag-iingat kasya magkaroon ng karamdaman. Muli, panatilihin mo ang distansiya sa mga kakausapin mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tuluy-tuloy lang ang gawain mo. Kahit medyo hindi ka sanay na walang alalay, mabuti pa rin na hindi huminto ang mundo mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Puwede namang magsaya kahit nasa bahay lang. Ang mundo ngayon ay moderno na kung saan ang mga nasa malayo ay nakakausap at puwedeng magkuwentuhan ng masasayang mga karanasan. Masuwerteng kulay-pink.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang utos, ‘yun lang ang dapat na masunod. Huwag mo nang pahirapan pa ang iyong sarili sa pagdaragdag ng mga patakaran na hindi naman talaga kasama sa mga iniuutos. Masuwerteng kulay-beige.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang ilalakas mo dahil sa pamamahinga, lalo na ang isipan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka sa kalinisan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipanatag mo ang iyong kalooban dahil walang mabuting maidudulot ang paglalagay ng mga negabitong bagay sa iyong isipan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag hindi makatulog, ang payo ay magbilang ka ng mga tupa. Sa ngayon, hindi ka mapalagay kaya ang payo ay bilangin mo ang mga nakaraang pagsubok na iyong tinalo. Masuwerteng kulay-violet.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma lang dahil makaaahon din ang lahat sa magulong sitwasyon. Bawat mali ay itinatama at ang bawat kulang ay dinaragdagan para sa kabutihan ng lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
![endif]--![endif]--




Comments