top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

TikTok, nag-donate ng $10 million kontra COVID-19

  • BRT
  • Mar 25, 2020
  • 1 min read

Nag-donate ng $10 million o katumbas ng mahigit kalahating bilyong piso ang video-sharing app na TikTok sa Solidarity Response Fund ng World Health Organization (WHO).

Layon nitong makatulong para labanan ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na laganap sa buong mundo.

Kaugnay nito, ilalaan ang nasabing pondo para sa mga pangunahing pangangailangan lalo na ng mga frontliners tulad ng mga health workers.

Ganundin ang pagbuo ng mga proyekto na mapakikinabangan ng mga mahihirap na komunidad at higit sa lahat, upang makatulong sa paglikha ng mga gamot o bakuna laban sa sakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page