Pampanga health chief na may sintomas ng COVID-19, pumanaw na
- Madel Moratillo
- Mar 25, 2020
- 1 min read

Pumanaw na ang hepe ng provincial health office ng Pampanga.
Si Dr. Marcelo Jaochico, ay nakitaan ng mga sintomas ng Coronavirus Disease 2019.
Gayunman wala pang kumpirmasyon mula sa Department of Health kung ito ay positibo mula sa virus.
Si Jaochico ay namatay dahil sa cardiac arrest alas-6:37 kagabi, Marso 24.
Ang pamilya naman ni Jaochico ay umapela na huwag naman sanang maalala ang kanilang ama bilang namatay dahil sa covid-19.
Sana ang maalala umano ay mga nagawa nito para sa bayan.





Comments