Mga sintomas tulad sa COVID-19... Lalaki sa China, patay sa Hantavirus
- Madel Moratillo
- Mar 25, 2020
- 1 min read

Hindi pa man natatapos ang problema sa Coronavirus Disease 2019, isang panibagong virus na naman ang nadiskubre na mula sa China.
Batay sa ulat, isang lalaki mula sa Yunnan province sa China ang nagpositibo sa Hantavirus.
Ang nasabing lalaki ay namatay habang sakay ng isang bus patungong Shandong Province.
Dahil dito, sinuri rin maging ang 32 katao na kapwa pasahero nito mula sa virus.
Pero, ayon sa isang eksperto mula sa Sweden, hindi na bago ang virus na ito at bihira ang human to human transmission nito kaya huwag mag-panic ang publiko.
"The Hantavirus first emerged in 1950s in the American-Korean war in Korea (Hantan river). It spreads from rat/mice if humans injest their body fluids. Human-human transmission is rare. There were even vaccines developed for it. Please do not panic, unless you plan to eat rats," post ni
Sumaiya Shaikh sa kanyang Twitter account.
Ayon naman sa US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang death rate ng Hantavirus ay 38 percent lamang.
Ayon sa US CDC, ang sintomas ng Hantavirus ay maaaring lumitaw hanggang sa 8 linggo, matapos ang exposure sa fresh urine o laway ng infected na daga.
Maaari rin umano itong makuha mula sa kagat ng infected na daga.
Ang sintomas ng Hantavirus ay kahalintulad umano ng covid-19 tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, ubo at hirap sa paghinga.





Comments