Jennylyn, pinalagan ang mga pa-VIP na 2 beses pang nagpapa-COVID test
- Vinia Vivar
- Mar 25, 2020
- 3 min read

Nanawagan si Jennylyn Mercado kay Dept. of Health Secretary Francisco Duque na maglaan ng budget para tulungan ang ating medical community.
“Sinabi ng Department of Health (Philippines) na may budget sila para tugunan ang ating crisis.
Pero marami sa ating mga medical frontliners ay nagsasabi na kulang sila sa mga kagamitan at PPE na magbibigay-proteksiyon sa kanila.
“Sa mga may kaya pong tumulong, puwede po kayong mag-donate sa mga nakalista sa http://helpdonateph.com/.
“Secretary Duque, sana po, mailaan mo na ang budget ng department ninyo para tulungan ang ating medical community.
“Naghihintay po kaming lahat. Kailangan po ng tulong ng ating mga bayani,” ang post ni Jen kahapon sa kanyang Facebook account.
Umapela rin ang GMA Ultimate Star sa VIP testing at dapat daw ay pantay-pantay at hindi dapat pairalin ang power o privilege.
“Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana, dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas maraming ma-test na nangangailangan nito.
“At habang limited pa ito ay lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming ipinapaalala ru'n sa mga taong may power o pribilehiyo na maging
'VIP' na 'wag ninyong unahin ang inyong pampersonal na interes.
“Ang mga test kits ay hindi para sa mga mayayaman o VIP, kundi para sa may mga sakit.
“1 Test Kit = 1 Life,” post pa ni Jen with the hashtags #NoToVIPTesting, #EveryFilipinoCounts at
Nakisimpatya rin ang aktres sa isang mamamayan na namatay ang lolo na hindi nakuha ang resulta ng test.
Ini-repost ni Jen ang post ng isang nagngangalang Tammy de Roca na ganito ang nakasaad:
“I’m more angry than grieving. Angry at the fact that my lolo could have been saved. Angry in finding out people who had no symptoms hogged testing kits and deprived those who needed them. Angry at the fact that we were promised 48 hours for the results then it never showed up ‘til he died. Angry to see information of VIPs getting theirs in less than a day. Angry to not be there for him because I wasn’t allowed to be near nor say goodbye. Angry to know that people responsible are banking on donations rather than using our taxes in the right places.
“Don’t wait for this to happen to you. Please get angry.”
Sa caption ni Jen ay nakiramay siya sa netizen at umapelang muli sa VIP testing.
“This is why there should be no VIP testing for those with privilege na may nabalitang 2 beses pang tine-test.
“Pantay-pantay tayong lahat.
“Buhay ng mga tao ang nakadepende rito.
“Sundin ang guidelines na inilatag n'yo sa ating mga medical frontliners.
“Ang mga tests ay hindi para sa mga mayayaman o VIP, ito ay para sa may mga sakit,” hirit ng aktres.
Hindi masyadong mahilig mag-post sa social media ang aktres kahit noon pa man kaya nakakatuwa na aktibo siya ngayon at ginagamit ang kanyang boses para makatulong in her own way.
***
MADIR NINA ASSUNTA AT ALESSANDRA, NAKA-SELF-QUARANTINE SA ITALY
MATAPOS dumating sa Italy mula sa Canada, naka-self-quarantine ngayon ang nanay nina Assunta and Alessandra de Rossi sa bahay kung saan ay kasama na rin nito ang kanilang ama.
Nag-post si Nenita Schiavone sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanyang asawa at nilagyan ng caption na: “Oh, lumapit ka kung gusto mo akong halikan,” na hango sa isang classic OPM song.
Nilagyan din ni madir ng hashtags na #selfquarantine at #day1 ang kanyang post.
Maraming netizens ang naaliw sa caption at nakakatuwang game namang nakipagsagutan ang nanay nina Assunta at Alex sa mga nangangantiyaw.
May nagtanong kung magkasama na ba silang mag-asawa at sagot ng madir, “Yaaas, pero nandito ako bunker, sinisilip@lang niya ang kalagayan ko, hahhaha.”
Sumagot naman si Assunta ng “Eh, ayaw lumapit.”
Sagot ng ina, “Flying kiss ang inabot ko, buti hindi flying kick.”
May nag-comment din ng “Ang aga naman ng manliligaw mo” at sagot naman ni Mommy Nenita, “Pasulyap-sulyap lang, hahaha.”
May nagtanong din kung hiwalay ba sila ng kuwarto at paano na raw ang loving-loving.
Sagot ni madir, “LDR” at natawa naman si Alex.
Matatandaang a few days ago ay alalang-alala si Alex sa kanyang mga magulang sa Italy dahil nga
sinasalanta nang matindi ng COVID-19 ang nasabing bansa.





Comments