top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Hindi ikaw, Julia?.. Joshua, ipinagsigawang nami-miss na si Janella

  • Mercy Lejarde
  • Mar 25, 2020
  • 3 min read

Ayon sa ABS-CBN News ay may nakakakilig na birthday message si Joshua Garcia kay Janella Salvador stating… "Miss na kita…”

Ohhh, matuk mo 'yan, Julia Barretto?

Yesss, kahit tapos na ang seryeng kanilang pinagtambalan na The Killer Bride, tuloy pa rin daw ang magandang samahan nina Janella at Joshua off-cam.

Sa Magandang Buhay noong Biyernes, sa pagdiriwang ng kaarawan ni Janella, isang video message ang ipinaabot ni Joshua sa aktres.

“Gusto ko lang magpasalamat na naging kaibigan kita. God bless sa iyo and I’m happy that you are happy. And, miss na kita. Miss ko na ang mga bonding natin together. Sana makita kita ulit soon.

God bless sa iyo and enjoy your day,” ani Joshua.

Sagot naman ni Janella: “Joshua, magkikita lang tayo kapag 'di ka na busy, busy ka rin, eh.”

Naku, Janella, kahit ano'ng busy ng isang tao ay may saying na… kapag gusto, may paraan… kapag ayaw, may dahilan….

'Yun na!

***

DAHIL pasok na sa grand finals ang bida kid na si Rain Barquin, naging mainit ang labanan sa Center Stage nu’ng Linggo (March 22).

Mula sa apat na contestants, ang “Anime Artist” ng Las Piñas City na si Colline Salazar ang itinanghal na bagong Defending Bida!

Speechless at napa-wow ang mga judges na sina Aicelle Santos, Mel Villena at Pops Fernandez sa ipinakitang performance ni Colline na naging dahilan ng pagtungtong niya sa Ultimate Centerstage.

Si Colline na kaya ang susunod na makakapasok sa grand finals?

Abangan ‘yan sa Center Stage tuwing Linggo nang gabi sa GMA-7 after Daig Kayo ng Lola Ko.

***

ZOREN, BALOT NA BALOT, HITSURANG SCIENTIST ‘PAG LUMALABAS NG BAHAY

BILANG tatay ng kambal na sina Mavy at Cassy, ibinahagi ng Bilangin ang Bituin sa Langit star na si Zoren Legaspi ang kanyang ginagawang all-out na pag-iingat sa panahon ngayon ng Coronavirus Disease.

Sa kanyang Instagram post, hindi raw nakaligtas sa mga tingin ng tao ang full protective gear ni Zoren nang ito ay lumabas at nag-grocery. Bukod kasi sa mask at gloves ay naka-shades pa ang aktor.

Aniya, “I wear clear shades to protect my eyes. People were looking at me like I'm a bio medical scientist. Better to be safe than sorry!”

Bukod sa pagsusuot ng mga panlaban sa virus, pag-uwi rin daw ng bahay ay hindi nito ipinapasok ang kanyang sapatos at ibinibilad din ang kanyang mga damit na ginamit bago ilagay sa labahan.

Ibayong pag-iingat ang kinakailangan sa panahon ngayon ng paglaganap ng COVID-19, hindi lamang sa mga may mahihinang resistensiya kundi sa lahat dahil sino man ay maaaring mahawahan nito.

Samantala, mapapanood si Zoren sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit bilang ang mayamang si Anselmo Santos na bumihag at nanakit sa puso ni Nolie dela Cruz (Mylene Dizon).

Habang patuloy si Nolie sa kanyang misyong makapaghiganti sa pamilya Santos na sumira sa kanilang buhay, unti-unti namang nagkakamabutihan ang anak nitong si Maggie (Kyline Alcantara) at anak ni Anselmo na si Jun (Yasser Marta).

Sa kabilang banda ay nangungulila pa rin ang nanay ni Nolie na si Cedes (Nora Aunor) na nawalay sa kanyang pamilya.

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa pinag-uusapang Bilangin ang Bituin sa Langit tuwing hapon pagkatapos ng Ika-6 na Utos na pansamantalang papalit sa Magkaagaw at Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

'Yun lang and I thank you.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page