Manila Container Port, sarado dahil sa COVID-19
- BRT
- Mar 25, 2020
- 1 min read

Pansamantalang isinarado ang mga pantalan ng Manila International Container Port (MICP) para magsagawa ng disinfection.
Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanilang mga empleyado.
Isasagawa ang disinfection sa buong MICP Building at kasabay nito ang contact tracing sa posibleng nakasama ng nagpositibong personnel.
Kaugnay nito, ang mga matutukoy na empleyado na nagkaroon ng direct contact ay aabisuhang mag-self quarantine at imo-monitor sila ng Internal Administration Group.
Samantala, ang iba naman na hindi apektadong opisina ng MICP ay maaari pa ring ipagpatuloy ang operasyon tulad ng vessel boarding, examination of goods at x-ray examination base na rin sa memo na inilabas ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Ganundin ang MICP importation ay mapoproseso pa umano rin ng mga personnel at empleyado.
Gayunman, inaabisuhan nila ang stakeholders na gamitin ang Customer Care Portal para mag-submit ng dokumento upang maproseso ang transaksiyon kung saan puwede rin nilang ma-monitor ang kanilang shipment ng Goods Declaration and Verification System.
Ang mga nasabing sistema ay maaaring ma-access sa website ng Bureau of Customs (BOC).








Comments