top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Wala naman daw kasing nararamdamang sintomas ng COVID-19… Sunshine, kumantang kahit naka-quarantine,

  • Beth Gelena
  • Mar 24, 2020
  • 4 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

TETCHIE, GALIT NA GALIT, TINAWAG NA MAHINA AT WORSE SI MAYOR JOY BELMONTE

Hindi kaya aware ang mayora ng Quezon City na si Joy Belmonte sa mga patutsada ng kanyang mga constituents dahil sa mabagal umano nitong pagkilos sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis?

Hindi lang mga mamamayan ng Kyusi ang pumipitik ngayon sa mayora, kundi pati ang ilang artista na residente sa nasabing lungsod, tulad ng beteranang aktres na si Tetchie Agbayani at ang movie director-actress na si Laurice Guillen.

Ani ng concerned netizen na taga-Kyusi, “Why no words??????????? If Rex Gatchalian of Valenzuela thought of converting basketball court into a quarantine facility as a back-up plan, bakit ‘di mo naisip? Bakit ‘di mo na lang kinopya?

“Haaayyy you really don’t spark, Joy!”

“Haayyy…” lang din ang nasabi ni Direk Laurice.

Sinundan niya ito ng “Pls. help her! Kung hindi, patay tayo!”

Pawang panlalait sa mayora ang komento ng kanyang mga nasasakupan. May tatlong taga-Kyusi kasing nag-positive sa COVID-19 at wala raw mapaglagakan sa ospital kaya ang ginawa ng mayora ay pinauwi ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.

“Paano na tayo? ‘Di puwede ‘yung reasoning niya. Alam pala niya ang consequence, ba’t pinauwi?

Damay-damay na,” apela ng isa pang taga-Kyusi.

Ani Tetchie, puwede naman daw gamitin ang Quezon Institute.

“QI (Quezon Institute) to be ideal place to house the patients. It’s in Q.C. and surrounded by trees and accessible to the public but keeps a good distance from its surrounding homes. Ahh.. wait.. I think the Belmonte’s home is just beside it. Sigh..”

Sumagot ang ilang netizens na ‘yun na rin daw ang naiisip nila, pero mukhang hindi raw ikinokonsidera ng mayora. Puwede rin naman daw humingi ng tulong si Joy sa ibang mga kapwa-mayor if may available pang place para ru’n mai-transport ang pasyente.

Ani ng beteranang aktres, “Sabi nga nila… kapag gusto, may paraan… kapag ayaw, maraming dahilan. Mahina siya.”

Sambit naman ng netizen, “Lazy thinker, tita.”

At palibhasa, teacher si Tetchie, sinabi niyang… “They are the worse. Kung ganyan ang student ko sa classroom… ibinabagsak ko talaga.”

May nagtatanong din na sa laki ng Araneta Coliseum, bakit ‘di na lang daw ini-request ni Joy sa Araneta Family na gamitin muna ‘yun bilang quarantine facility. Siguro naman daw ay papayag ang mga Araneta na ipagamit ang venue nila or iparenta.

Parang wala lang daw sa Quezon City mayor ang nangyayari sa kanyang nasasakupan.

“I don’t see her concern. She just relay it to her people kung ano ang dapat gawin.. alam n’yo ‘yun, buhay-prinsesa. Isama mo na rin ang vice-mayor, pareho silang mahinang umaksiyon.

“You call Quezon City a prime city pero the way they handle it, palpak. Nakakahiya tayo. Kawawa kaming mga taga-Q.C. at nakakatakot na rin. This is the start ng pagbagsak ng mga Belmonte. Sad to say, ang dami nang galit sa kanya. Baka maging zombie place ang Kyusi sa ginagawa niyang ganyan.”

Dahil diyan, tinatawag ng mga netizens sa Facebook ang pansin ng dating mayor na si Herbert ‘Bistek’ Bautista. Isinisigaw nila na sana raw ay bumalik na si Bistek. Maging ang mga taga-Kyusi ay hinahanap ang dati nilang mayor.

***

Wala naman daw kasing nararamdamang sintomas ng COVID-19…

SUNSHINE, KUMANTANG KAHIT NAKA-QUARANTINE, ‘DI SINUSUNOD ANG SOCIAL DISTANCING

NAKATSIKAHAN ng aming kaibigan at colleague writer na si Lykaboo ang aktres na si Sunshine Cruz kung saan ibinalita ng Kapamilya actress na wala siyang symptoms ng COVID-19.

Dahil nagpositibo sa pandemic disease ang aktor sa Love Thy Woman na si Christopher de Leon, inabisuhan ng ABS-CBN na magpa-COVID-19 test ang lahat ng involved sa teleserye na ginawa naman nila.

Ayon kay Sunshine, okey naman daw siya at walang nararamdamang any symptoms hinggil sa pandemic disease.

“We are all okay naman so far. Self-quarantine lahat. Nag-a-assist ang ABS-CBN. We had a conference call pa with ABS bosses and Dr. Susan Mercado. So far so good.”

Halos dalawang linggo na rin daw nang huli silang magkasama ni Boyet, but so far, wala siyang sintomas na nararamdaman.

“Pinalalakas ko na lang ang katawan ko by sleeping well, eating healthy, and pinapalakas ang immune system pati ng mga bata,” ani Sunshine.

“And of course, kailangan ng dasal not just for us pero para sa mga mahal natin sa buhay,” lahad pa niya.

Inamin din ni Sunshine na hirap siya sa social distancing na ipinatutupad ng pamahalaan. Hindi raw kasi siya sanay matulog nang hindi katabi ang tatlo nilang anak na babae ng ex-husband na si Cesar Montano.

Anyway, si Sunshine ay gumaganap bilang mistress ni Boyet sa Love Thy Woman kung saan anak nila si Kim Chiu.

Aniya, “Bawal po bang mag-mask sa labas?”

Nag-decide rin daw silang magpakuha ng picture sa loob dahil madilim sa labas ng kanilang bahay.

“Sana po, ‘wag tayong basta mag-judge and don’t tell me to be sensitive because I’m sensitive enough,” dagdag pa ni Ara.

May pagkasarkastiko pang FYI si Ara sa basher.

Aniya, “Nag-donate po ako ng mga masks sa frontliners, baka ‘di n’yo lang po alam, ipinapaalam ko na po sa inyo.”

At ‘di naman daw siguro masama na magtira siya para sa kanilang anak.

Ang @heartandsoulphilipp­ines daw ang makakapagpatunay na nag-donate siya kung hindi naniniwala ang netizen. Humingi naman ng apologies ang netizen sa aktres.

Isang netizen ang nagsabing: “Bakit ang defensive ni Ara? Pinuna lang s’ya, ang dami na n’yang

sinabi. Ipinagmalaki pa na nag-donate s’ya. Saka galing labas? ‘DI BA SABI BAWAL LUMABAS? Saka ikaw na galing sa labas, talagang maiisipan mo pang mag-picture pagpasok, then strike a pose para i-showoff na naka-mask ka? What’s the sense? Then sabay brag na nag-donate s’ya. At itinag pa n’ya. ALL CAPS pa siyang mag-explain. So maaaring guilty s’ya at nabuking. ‘Etong mga celebs na ito, feeling righteous.”

Hay, naku, nahaharap ngayon ang Pilipinas sa matinding pagsubok na dulot ng COVID-19 kaya tigilan na muna ang mga bangayan at patutsadahan sa social media. Para tayo ay makatulong sa sambayanan, magsipagdasal na lang nang taimtim nang sa gayun, pakinggan tayo ng nasa Itaas para maibalik na sa normal ang ating buhay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page