RITM director na tumangging ituloy ang COVID-19 test sa mga VIPs, ‘di sinibak ni DOH
- Ka Ambo
- Mar 24, 2020
- 2 min read
TULIRO na si DOH Secretary Francisco Duque.
Akala ko ba, don’t panic?
◘◘◘
BINAWI ni Sec. Duque ang pagsibak sa RITM director.
Tinanggihan kasi nito ituloy ang COVID-19 test sa mga VIPs!
◘◘◘
ANG bilang ng confirmed cases sa COVID-19 ay hindi nangangahulugang ito ang tunay na bilang ng mga sakit mula sa naturang virus.
Ito ay simpleng bilang ng mga tao na isinailalim sa testing.
Marami pa ang hindi isinasailalim sa “testing” na nadale ng deadly virus.
At ang mga ‘yan ay patuloy sa paglalamyerda at pagpunta sa palengke!
◘◘◘
WALANG kakayahan ang gobyerno na isailalim sa testing ang mga aktuwal na may COVID-19.
Mas marami ang hindi nakatitikim ng “testing” kasi kapos ng testing kits!
◘◘◘
DAPAT ikalat sa mga pribadong laboratories ang libu-libong testing kits na kinokorner ng mga pulitiko at mayayaman.
Ibig sabihin, maraming nagdarahop na may aktuwal na COVID-19 ang hindi isinailalim sa testing.
Sila ay mabilis na magkakalat ng virus!
◘◘◘
KUNG may sapat na resources at hindi korup ang mga Pinoy—sana ay mabilis na masusugpo ang virus.
Pero, kapos ng resources ang mga Pinoy!
◘◘◘
ANG kakarampot o kahit may sobra ang pondo—may malaking tsansa na dambungin lang ito ng mga buwitre sa gobyerno.
Dahil d’yan, maaaring tumagal pa ang krisis sa Pilipinas.
At iisa ang dahilan – korupsiyon sa pamahalaan!
◘◘◘
UMAATAKE pa rin ang CPP-NPA imbes na makipag-ceasefire.
Sasamantahin nila ang gulo para maagaw ang gobyerno.
Marami na talaga ang nababaliw dahil sa virus!
◘◘◘
AKTUWAL dapat ipatupad ng DILG ang military discipline sa mga gobernador, mayor at chairman ng barangay.
Aktuwal nilang i-quarantine ang lahat ng barangay—na wala pang nairerekord na aktuwal na “may COVID-19”!





Comments