Ex-Olympian swimming champ at football player, positive sa COVID-19
- MC
- Mar 24, 2020
- 1 min read

Ikatlong player ng Juventus team si Paulo Dybala, ang forward ng football club ng Argentina ang nagpositibo sa COVID-19.
Kasama ni Dybala ang kanyang nobya na nasuring positibo sa tests pero nasa ‘perfect condition’ naman diumano sila sa ngayon. Kinumpirma rin ng Juventus na wala namang mabigat na sintomas si Dybala at naka-isolate ito sa kanyang tahanan mula Marso 11.
Sina Defender Daniele Rugani at midfielder Blaise Matuidi ay nahawaan din, pero malakas naman daw sila at ‘in good spirits.’
Samantala nag-tweet naman si retired South African swimmer Cameron van der Burgh, na infected siya ng COVID-19. Ayon sa 31-year-old, 2012 Olympic 100-meter breaststroke champion na, "by far the worst virus I have ever endured despite being a healthy individual with strong lungs, living a healthy lifestyle, and being young. Please look after yourself everyone! Health comes first-COVID-19 is no joke!”
Ang Italya ang malubhang naapektuhan ng virus na ayon sa huling talaan ng Johns Hopkins University ay may 53,578 na ang may sakit at may 4,825 na ang nasasawi kung saan nahigitan pa ang may 1,600 na kaso sa mainland China.





Comments