top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Emergency power kay P-Du30 vs. COVID-19, aprub sa Senado

  • BRT
  • Mar 24, 2020
  • 1 min read

Ngayong araw inaasahang isusumite ng Kongreso sa Malacañang ang panukalang-batas na nagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte na tugunan ang Covid-19 sa pamamagitan ng pagdedeklara ng State of National Emergency.

Una nang inaprubahan sa Senado at Kamara ang panukalang magbibigay ng special powers kay Pangulong Duterte para malabanan ang COVID-19.

Sa ilalim ng Article VI, Section 23 (2) ng 1987 Constitution, nasa kapangyarihan ng Kongreso na payagan ang pangulo na magpatupad ng mga hakbang upang masugpo na ang pagkalat ng COVID-19. Kung saan, binibigyan nito ang pangulo ng mahigit 20 special powers.

Sa botong 12-0 sa Senado ay naipasa ang Bayanihan to Heal as one Act o ang Senate Bill 1418 na nagsasailalim din sa bansa sa State of National Emergency dahil sa COVID-19.

Nakapaloob dito ang pag-aatas sa PhilHealth na sagutin ang lahat ng gastusing medikal ng mga public at private health workers; pagpayag sa Pangulo na magdeklara ng national policy; pagbibigay ng emergency subsidy sa 18 milyong low-income households sa buong bansa na aabot sa P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan at ang pagbibigay-kapangyarihan sa presidente na pamahalaan ang operasyon ng anumang privately-owned hospitals, medical at health facilities kasama ang mga passenger vessels at iba pang establisimyento na puwedeng matuluyan ng mga health workers at maaaring gawing quarantine facilities.

Magkakaroon din ng kapangyarihan ang pangulo na pangasiwaan ang operasyon ng public

transportation para matiyak na may masasakyan ang mga health, emergency at frontline personnel.

Samantala, 284-9 naman ang naging boto sa Kamara. In-adopt na lamang ng Kamara ang bersyon ng Senado para hindi na kailangan pang magkaroon ng bicameral conference committee.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page