top of page

Ellen, depressed, John Lloyd, haping-hapi sa hiwalayan nila

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 24, 2020
  • 4 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Anak ni Tito Sen na VM ng kyusi, dapat gayahin si Mayor Vico

Sa kabila ng maraming papuri sa magandang aksiyon ni Pasig Mayor Vico Sotto noong umiral ang enhanced community quarantine, hindi umepal ang kanyang mga magulang na sina Ms. Coney Reyes at Vic Sotto. Nanatili silang nakasuporta lang sa anak at hindi umagaw ng atensiyon.

Bilang isang ina, nagpahayag lang si Coney na natutuwa siya na lumaki si Vico na makatao at maka-Diyos at may puso para sa mahihirap.

May mga nagsasabing dapat ding bigyan ng kredito ang comedian-TV host na si Vic dahil siya ang ama ni Mayor Vico. Kahit papaano, may kontribusyon din siya kung lumaki man na matalino at mabuting tao si Vico.

Pero, ayaw ngang umagaw ng eksena ni Bossing Vic sa kanyang anak. Basta naniniwala siya na kayang-kaya ni Vico na gampanan ang kanyang role bilang public servant. May karanasan na ito dahil sa naging konsehal muna ng Pasig bago tumakbong mayor at nakikita naman niya ang dedikasyon at sinseridad ng anak sa kanyang pagtupad sa tungkulin.

Bilang ama, ipinagmamalaki ni Bossing Vic si Vico at hanga siya sa lakas ng loob nito sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang mayor ng Pasig!

Well, sana, ang pinsan ni Mayor Vico na si Gian Carlo Sotto (anak ni Sen. Tito Sotto) ay maengganyo rin sa pamamaraan ng pamamalakad ng Pasig mayor.

♥♥♥

Ellen, depressed, John Lloyd, haping-hapi sa hiwalayan nila

Walang reaksiyon si John Lloyd Cruz sa naging pahayag ng ex-live-in partner niyang si Ellen Adarna na nag-post na tatlong taon siyang tila nasa isang “black hole” na naging dahilan ng kanyang depression.

Nag-undergo ng one-on-one mental training si Ellen sa isang psychiatrist noong nagbakasyon siya sa Bali, Indonesia kung saan niya ibinunyag ang kanyang pinagdaanan sa nakaraang tatlong madidilim na taon sa kanyang buhay.

Ibig sabihin, hindi siya naging masaya sa panahon ng relasyon nila ni John Lloyd na nagbunga ng isang baby boy? Pinagsisisihan na ba ito ni Ellen?

Samantala, may sightings naman si John Lloyd sa Cebu at kasamang namamasyal ang anak nila ni Ellen na si Elias Modesto.

Mukha namang naka-move on na si Lloydie sa paghihiwalay nila ni Ellen at happy siya na nahihiram niya at nakakasama ang kanyang anak. Kasalukuyang nasa quarantine naman si Ellen.

Patuloy na nagpaparating ng moral support kay John Lloyd ang kanyang mga fans and supporters. Mabuti na lang daw at hindi nagpakasal ang kanilang idolo sa sexy star na si Ellen. Hindi raw ito ang karapat-dapat na babaeng maging Mrs. Cruz!

♥♥♥

Boyet, pagaling na sa COVID-19, pinalabas na ng ospital

Papagaling na ang aktor na si Christopher de Leon kaya pinalabas na ito ng ospital at sa bahay na lang naka-quarantine ngayon.

Si Boyet ang unang Filipino celebrity na lumantad at umaming positive siya sa COVID-19. Wala siyang travel history kaya hindi niya alam kung papaano siya nahawa ng Coronavirus.

Maraming nagdasal para kay Christopher bukod sa pamilya at mga kaibigan. Pati ang mga co-stars niya sa Love Thy Woman ay nagpaabot din ng concern sa kanyang kalagayan. Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ng aktor sa lahat ng nakisimpatya at nagdasal na malagpasan niya ang COVID-19. Pinuri rin ni Boyet ang kabayanihan ng ating mga health workers at frontliners.

♥♥♥

TV host, takot lalo’t uso ang COVID-19… Anak ni Kris na si Bimby, isang linggo nang inuubo

Hindi pneumonia ang naging sakit ni Bimby na ayon kay Kris Aquino ay isang linggo nang inuubo.

Inalok si Kris ni Willie Revillame na magbakasyon sa kanyang resort sa Puerto Galera kasama sina Josh at Bimby. Pero dahil nga sa inuubo si Bimby, nagpasya si Kris na umalis muna sa resort ni Willie para na rin sa proteksiyon ng Wowowin host at ng mga staff na kasama nila.

Pansamantalang tumutuloy ngayon ang mag-iina sa bahay ng isang kaibigan. Labis na nag-alala si Kris sa kalagayan ni Bimby lalo na't marami na ang nagpositibo sa COVID-19. Pero, pagkatapos ng check-up ni Bimby sa kanilang pedia, nakahinga na nang maluwag si Kris.

♥♥♥

Ginagawang kapaki-pakinabang ni Aiko Melendez na isa sa major cast ng Prima Donnas (bilang si Kendra) ang pagkakapirmi sa bahay dahil sa enhanced community quarantine.

Nagkaroon siya ng bonding time sa kanyang mga anak na dati ay madalang niyang gawin dahil busy sa kanyang career.

Sabay-sabay silang kumakain, nanonood ng TV at nagkukuwentuhan. May sapat na stock naman sila ng pagkain pero hindi sila nagho-hoard.

Nami-miss ni Aiko ang kanyang mga co-stars sa Prima Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan. Magagaling umarte ang tatlong Donnas at natutuwa siya na patuloy ang pamamayagpag ng ratings ng Kapuso serye.

Alam din ni Aiko na maraming nagagalit sa kanyang mga viewers ng Prima Donnas dahil sa role niya at Kendra na nga ang tawag sa kanya kahit saan siya magpunta.

♥♥♥

Hindi lang ang mga ordinaryong mamamayan ang nagimbal sa panganib na dala ng COVID-19. Maging ang mga sikat na celebrities ay nagkaroon ng time na magnilay-nilay at ayusin ang kanilang buhay.

Ang premyadong aktres na si Gina Alajar na direktor ng afternoon soap na Prima Donnas ay marami ring natutunan sa pananalasa ng pandemic COVID-19. Nasusubok daw ang tatag ng ating pananalig. Sinusubok din kung gaano tayo kahanda sa panahon ng kalamidad.

Panahon ito upang tayo ay manatiling mapagkumbaba sa kapwa at tumulong sa mga nangangailangan. Walang pinipili ang COVID-19, mayaman man o mahirap ay puwedeng magkasakit nito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGARY - BEA, NOT ONCE BUT TWICE NANG NAUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo.jpg
bottom of page