Suspensiyon ng laro sa PBA, indefinite
- Rafaella Garcia
- Mar 23, 2020
- 1 min read

Dahil sa malabo pang bumalik sa normal ang lahat dito sa bansa sanhi ng kumakalat na coronavirus o COVID-19, napagpasyahan ni PBA commissioner Willie Marcial na pahabain pa ang suspensyon ng mga praktis ng mga koponan o 'di kaya naman ay mga laro kontra sa iba pang koponan ng liga.
Ayon sa bahagi ng kautusan na ipinalabas ni Marcial, pumayag ang mga koponan na tuloy pa rin ang suspensiyon ng mga aktibidades nila na dapat sana ay hanggang sa Biyernes lang.
“In light of the country's current situation, the Office of the Commissioner is extending all its member teams' two-week break from practices, scrimmages and other related activities which was supposed to end March 27, until further notice,” pahayag ng PBA Commissioner na si Marcial.
Alinsunod sa ipinalabas na direktiba ng pamahalaan noong nakaraang Linggo, minabuti din ng PBA na sumunod sa kautusan na ito na itigil muna ang mga laro habang laganap pa ang COVID-19 sa bansa.





Comments