Hirit sa DSWD.. Unahing tulungan ang mga PWDs, buntis at solo parents
- Mylene Alfonso
- Mar 23, 2020
- 1 min read

May apela sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng prayoridad ang mga kababayan nating mas higit na nangangailangan ngayong humaharap tayo sa krisis dulot ng Coronavirus Disease 2019.
Nakiusap si Senador Christopher 'Bong' Go na dapat agad na mabigyan ng tulong ang mga mas nangangailangan tulad ng mga may kapansanan, buntis, solo parents at mga indigenous people.
Tinatawagan din ang DSWD na agad mabigyan ng mga ayuda ang mga sinasabing nasa “informal economy” ng bansa tulad ng mga tsuper ng mga pampasaherong sasakyan at iba pang mga katulad na trabaho na hindi kikita kung hindi magtatrabaho.
Nais ding matiyak na hindi kakapusin ng kanilang mga pangangailangan ang publiko na humaharap ngayon sa matinding krisis.





Comments