Drew, guilty sa COVID joke, nagsori sa mga netizens
- Erlinda Rapadas
- Mar 23, 2020
- 3 min read
Erlinda Rapadas / Teka Nga
Ellen, masyonda na, may anak pa, pinalitan na sa trono ni Ivana

Panay ang post ngayon ng sexy star na si Ellen Adarna ng kanyang larawan na nakasuot ng mga sexy swimwear upang malaman ng lahat na balik-alindog na siya matapos manganak sa baby nila ni John Lloyd Cruz. Todo-display talaga si Ellen at ini-enjoy ang kanyang pagrampa sa beach.
Pero may mga netizens ang nag-comment na tapos na ang panahon ng pamamayagpag niya. May bago nang kinababaliwan ngayon ang mga kalalakihan. Ito ay ang mas fresh at mas bata na si Ivana Alawi na milyones ang followers.
Si Ivana ang bagong Pantasya ng Bayan! Kumpara kay Ellen na may anak na, fresh na fresh ang beauty ni Ivana at hindi pa ito pasaway na tulad niya at kahit na sexy ang image, hindi naman bastusin at positibo ang mga ginagawa sa buhay.
Nakakatuwa rin ang pagiging jologs at down to earth ni Ivana at mapagmahal din ang sexy star sa kanyang mga kapatid. Pangarap niyang mabigyan at maipagpagawa ng bahay ang lahat ng kanyang kapatid.
♥♥♥
Muli na namang magsasagawa ng fundraising si Willie Revillame upang makatulong sa mga pangangailangan ng ating mga bayaning health workers at frontliners, ganu’n din sa mga taong naapektuhan at hindi makapaghanapbuhay dahil sa pinaiiral na enhanced community quarantine.
Nag-donate ang Wowowin ng P1 M at maging ang ilang major sponsors ng show ay nag-pledge rin ng kanilang donation. Isa na rito ang Frontrow ni RS Francisco na nagbigay ng P1 M cash at 20,000 piraso ng face masks para sa mga health workers.
Ang kumpanya naman na gumagawa ng Plemex ay nag-ambag din ng mga gamot na ipamimigay.
Sa bawat kalamidad (bagyo, baha, pagputok ng bulkan at lindol), laging maaasahan ang tulong ni Willie, ganu’n din ng mga sponsors ng Wowowin.
Noong pumutok ang Taal Volcano kung saan maraming evacuees ang nangailangan ng tulong, isa sa mga nagpahatid ng ayuda si Willie.
Ngayon, sa gitna ng pandemic na COVID-19 na lahat ay nagpa-panic dahil sa pagdami ng mga nahawa at kakulangan ng mga gamit ng mga health workers sa mga ospital, muling maaasahan ang pagtulong ni Willie.
♥♥♥
Drew, guilty sa COVID joke, nagsori sa mga netizens

Humingi ng paumanhin si Drew Arellano sa mga netizens sa kanyang Instagram account. Aminado ang mister ni Iya Villania na nagkamali siya at naging insensitive nang mag-post ng: "We are the virus."
Todo-react ang lahat kaya naman nag-apologize si Drew sa mga taong na-offend sa ipinost niya sa kanyang social media account. Next time raw ay magiging maingat na siya sa paggamit ng kanyang socmed.
Samantala, ang maybahay naman ni Drew na si Iya ay nagwo-work from home rin ngayon. Ang segment niyang Chika Minute sa programang 24-Oras ay naitatawid niya kahit nasa bahay lang at hindi makalabas dahil sa COVID-19.
♥♥♥
Bago pa nagdeklara ng enhanced community quarantine ay nakauwi na sa kanilang bayan sa Bicol ang Kapuso star na si Kyline Alcantara.
Mas gusto niya na makasama ang ilan niyang kamag-anak sa probinsiya ngayong naka-lockdown ang halos lahat ng lalawigan dahil sa pandemic na COVID-19.
Nakabakasyon na at walang teyping ang seryeng Bilangin ang Bituin sa Langit kung saan isa siya sa
major cast.
Kahit hinahanap-hanap ng katawan niya ang pagteteyping, kailangang sumunod sa ipinag-uutos na community quarantine upang maiwasan ang pagkahawa-hawa ng deadly Coronavirus. Naaawa rin siya sa ating mga health workers at frontliners na buong-tapang na hinaharap ang kanilang trabaho makapagligtas lang ng mga positive sa COVID-19.
Sa sarili niyang pamamaraan ay sisikapin ni Kyline na mag-share ng kanyang maiaambag para sa mga matatapang na health workers at frontliners.
At sa pamamalagi niya ngayon sa Bicol, kahit papaano ay napapanood niya ang seryeng Kambal Karibal na pinagbidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix kasama sina Carmina Villaroel, Marvin Agustin, Alfred Vargas, atbp.. Sa Kambal Karibal unang napansin at sumikat si Kyline kahit kontrabida ang kanyang role.





Comments