Babala sa mga pulitiko sa COVID testing Walang gulangan!
- Mylene Alfonso
- Mar 23, 2020
- 1 min read

"Walang lamangan, walang gulangan!” Ito ang babala ni Inter-agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles sa mga pulitikong ginagamit ang posisyon para magkaroon ng VIP testing sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay Nograles, dapat aniyang unahin ang mga pasyente na may sintomas ng naturang sakit. “In general, walang lamangan walang gulangan. Ito ay para sa lahat ng mga Filipino kaya may general guidelines,” pahayag ni Nograles.





Comments