Nadagdag sa loob ng isang araw... 793, patay sa COVID-19 sa Italy
- BULGAR

- Mar 22, 2020
- 1 min read

Halos 800 ang panibagong bilang ng mga kaso ng pagkamatay sa Italy dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw.
Sa pinakahuling datos, nasa kabuuang 793 ang naitalang patay dahil sa COVID-19, dahilan para umakyat sa 4,825 ang death toll sa Italy.
Ito ay may pagtaas na 19.6%, na pinakamalaki mula nang kumalat ang sakit noong nakalipas na buwan.
Matatandaang, kamakailan nang mahigitan na ng Italy ang China bilang bansang may pinakamaraming namamatay sanhi ng nakahahawang virus.
Samantala, pumalo na sa 6,072 ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19, mas mataas kumpara sa 5,129 na nailista kahapon.
Nananatili namang nasa kritikal na sitwasyon ang rehiyon ng Lombardy, kung saan umabot pa sa 3,095 ang bilang ng mga namatay at 25,515 ang kumpirmadong kaso.





Comments