Kenny Rogers, pumanaw sa edad 81
- Lolet Abania
- Mar 22, 2020
- 1 min read

Sumakabilang-buhay na ang tinaguriang country-pop singer at musician na si Kenny Rogers, sa edad na 81.
Siya ay namatay kahapon nang dahil sa katandaan na nasa pangangalaga ng hospisyo at kanyang pamilya.
Nakilala si Rogers sa mga awiting, “The Gambler” na nanguna noong 1970s music charts, “Lady” at “Lucille”.
Sa kanyang career, nagkaroon siya ng 24-number one hits, bukod pa rito ang Grammy awards at 19 na nominasyon.
Pinarangalan din si Rogers bilang Country Music Hall of Fame noong 2013, parehong taon na binigyan siya ng award sa County Music Association ng Willie Nelson Lifetime Achievement Award, kung saan naging six-time winner din siya.
Nais ng kanyang pamilya na bigyan na lamang siya ng isang private service dahil sa kumakalat na sakit na COVID-19.





Comments