Batang doktor, patay sa COVID-19
- BRT
- Mar 22, 2020
- 1 min read

Inianunsiyo ng Philippine Heart Association (PHA) ang pagpanaw ng isang batang doktor na miyembro nila dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa Facebook account ng PNA, mababasa ang pakikidalamhati nila sa pagpanaw ng tinawag nilang “Young Hero" doctor kaugnay ng pagtupad nito sa tungkuling gamutin ang dumaraming pasyente ngayon ng naturang virus.
"It is a sad day for the whole association as we have lost one of our own in the fight against COVID. He is a casualty of this war. We honor him as he lost his young life while fulfilling his duties as a doctor, a young cardiologist and a dedicated member of PHA," bahagi ng pahayag ng PHA.
Bagama't walang inilabas na pagkakakilanlan at iba pang impormasyon ang PHA sa pumanaw na doktor, kinikilala nila ang kabayanihan nito kasabay ng hiling na panalangin para sa mga health workers na nasa panganib din ang buhay para makapagligtas ng iba.
"Please pray for the eternal repose of his soul. Please pray for all our members and all our other doctors and healthcare workers in the frontlines and all the people who are afflicted by the disease.
"We lost a young, brilliant, promising doctor in this battle. You are our hero!" saad pa sa naturang anunsiyo.
Sa tala ng DOH nitong Sabado, umaabot na sa 307 ang positibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 19 na ang namatay at 13 naman ang nakaligtas.





Comments