top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Super-inggit sa mga tropang may GF... Birthday wish na magka-dyowa, matutupad na ngayong 2020

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 21, 2020
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong girlfriend. Naiinggit tuloy ako sa mga kaibigan ko na may kani-kanya nang girlfriend.

  2. May mga nililigawan naman ako, kaya lang, feeling ko ay wala silang gusto sa akin. May alam ba kayong paraan para lumabas ang aking sex appeal sa mga babae?

  3. Sana, bago sumapit ang birthday ko sa April 16 ay magka-girlfriend na ako. Matutupad kaya ito?

KASAGUTAN

  1. Wala namang ibang paraan para lumakas ang sex appeal ng lalaki kundi ang magpa-pogi. Siyempre, sino ba namang babae ang magkaka-gusto sa lalaking gusgusin at walang dating? Gayundin, para lumakas ang sex appeal ng babae, walang ibang dapat gawin kundi magpaganda. Sino bang lalaki ang magkaka-gusto sa babaing bukod sa baduy kung magsuot ng damit ay palaging nakasimangot, bihirang maligo at ang sungit-sungit pa?

  2. Kaya para sa lalaki, ang pinakamalakas na pa-pogi points ay ang plaging plantsado ang damit, palagi kang mabango at mapera kung tingnan at higit sa lahat, gentleman o magalang na animo'y napakasarap, napakabait at napakasaya mong kasama.

  3. ‘Yung sinasabing napakasaya mong kasama ay nangangahulugang dapat ay mapag-biro o may sense of humor ka para magiging masaya ang babae habang naglalakad kayo sa parke o kung saan mang ninyo balak mag-date.

  4. Ito naman ang nais sabihin ng guhit ng iyong mga palad. Magkaka-girlfriend ka na sa Abril at kung hindi, sa Setyembre ngayong 2020. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Fling na Relasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  5. Tanda na hindi ka maiinip, mabilis na magtitiklop at lilipas ang ilang mga buwan ng 2020, pagpasok na pagpasok ng Setyembre o sa mga unang araw pa lang, makakikilala ka ng maputing babae na medyo chubby na nakatakda mong maging first girlfriend. Pero dahil unang girlfriend mo siya, hindi siya ang iyong makatutuluyan, bagkus, maghihiwalay din kayo habang ang pangalawang girlfriend mo ang magiging pangmatagalan (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) at panghabambuhay mo nang makakasama.

DAPAT GAWIN

Ayon iyong mga datos, Kevin, tulad ng nasabi na, ‘wag kang mainggit sa iyong mga kaibigan na may kani-kanya nang girlfriend dahil sa pagpasok na pagpasok ng Setyembre, 2020 sa edad mong 22 pataas, kusang matutupad ang iyong birthday wish—magkaka-girlfriend ka na, hatid ng babaeng isinilang sa buwan ng Nobyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page