Sa unang pagkakataon, sa loob ng 24 oras China, walang bagong kaso ng COVID-19
- Madel Moratillo
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Walang naiulat na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 sa China na pinagmulan ng virus, sa nakalipas na 24 oras.
Ayon kay World Health Organization Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ito ang unang pagkakataon na walang naiulat na kaso mula nang unang maitala ang first case ng covid-19 sa Wuhan noong Disyembre.
"Yesterday, Wuhan reported no new cases for the first time since the outbreak started," pahayag ni Ghebreyesus.
Ito aniya ang nagbibigay ng pag-asa ngayon sa buong mundo na patuloy na lumalaban sa covid-19 pandemic.
"Wuhan provides hope for the rest of the world that even the most severe situation can be turned around," pahayag pa ng WHO chief.
Gayunman, hindi aniya ito dapat maging dahilan para maging kampante dahil maaaring mabago ang sitwasyon kung hindi mag-iingat.
"Of course, we must exercise caution; the situation can reverse. But the experience of cities and countries that have pushed back this coronavirus gives hope and courage to the rest of the world," dagdag pa ni Ghebreyesus.
Sa ngayon, ang inaalala umano ng WHO ay ang impact ng virus sa mga bansa na may mahinang health systems.
Maliban sa walang bagong covid case, bumaba rin ang naiulat na nasawi sa China dahil sa virus mula noong Enero.





Comments